Kilalang personalidad puro work daw kaya ilang sa babae, pero boys ang gusto?
TRULILI kaya na miyembro ng LGBTQIA+ community ang kilalang personalidad na namumuno ngayon ng isang lungsod sa Metro Manila?
Nang ikwento ito sa amin ng aming source ay ilang minute kaming nag-isip at hanggang sa mga sandaling sinusulat namin ito ay talagang mega-isip pa rin kami kung totoo o hindi.
Pero sa rami ng ibinigay sa aming clues at larawan ng close friend ng kilalang personalidad ay parang totoo nga.
Matagal na itong naikwento sa amin ng aming source, pero siyempre kailangan naming gumawa rin ng sarili naming imbestigasyon at ayon sa ilang taong nakadikit sa kampo ng kilalang personalidad ay maging sila ay nagtataka rin kung bakit walang dyowa at super close nga ito sa kanyang kaibigang lalaki.
Baka Bet Mo: Vhong ayaw nang maalala ang taong ‘dedma lang’ nang hingan niya ng tulong para sa kasong rape
“Gwapo naman si boss, inisip lang namin na busy siya sa work niya kaya walang time mag-dyowa, e, medyo napapansin nga na mas gusto niyang ka-bonding ‘yung close friend niya pagtapos ng trabaho at kapag walang pasok. Marami kaming nakakaalam na, siyempre dedma na lang, mabait si boss, eh,” sey ng taong nakadikit sa kampo ng kilalang personalidad.
Sobrang iginagalang ng lahat ang bida sa blind item namin dahil maayos at marespetong kausap kaya naman mahal siya ng kanyang mga nasasakupan.
Chika naman ng isa pang kausap namin, “Alam mo bang ang girls na may gusto sa kanya (kilalang personalidad). Pansin ng lahat kahit sa mga events na pinupuntahan niya at may ipinakikilala puro lang siya ngiti at wala ng follow-up kahit pa nagpapalitan na sila ng numero. Laging sinasabi (kilalang personalidad) trabaho muna ang focus niya tsaka na ang lovelife.”
Baka naman talaga workaholic ang kilalang personalidad tulad din ng katwiran ng mga artista sa showbiz na mas inuunang magtrabaho kaysa magkaroon ng lovelife lalo na kung maraming projects, e, bakit nga naman papakawalan ito lalo na sa hirap ng buhay ngayon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.