Kilalang personalidad boldyak kay Ogie Diaz: 'Wag mong lokohin sarili mo, tamad ka at ‘wag kang palaangkin ng project' | Bandera

Kilalang personalidad boldyak kay Ogie Diaz: ‘Wag mong lokohin sarili mo, tamad ka at ‘wag kang palaangkin ng project’

Reggee Bonoan |July 27,2023
facebook
share this

Kilalang personalidad boldyak kay Ogie Diaz: ‘Wag mong lokohin sarili mo, tamad ka at ‘wag kang palaangkin ng project’

Reggee Bonoan - July 27, 2023 - 11:11 AM

SINO kaya ang pinatutungkulan ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz sa post niya sa kanyang Instagram stories tungkol sa isang personalidad na laging lumiliban sa trabaho at para bumango ang pangalan ay nagbabayad siya para masulat nang maganda.

Ang simula ng “Showbiz Update” at “Ogie Diaz Inspires” host ay, “Pag pinagkatiwalaan ka ng trabaho, sipagan mo, mahalin mo at pahalagahan mo.  ‘Wag ka pala-absent. ‘Wag kang magbabayad ng magpe-press release para pabanguhin ang pangalan mo porke matagal ka na diyan.”

Nabanggit din niya na huwag lokohin ang sarili lalo’t may mga project na inaangkin.

Sa pagpapatuloy ni Ogie, “Uy, ‘wag mong lokohin ang sarili mo. Tamad ka sa totoong buhay. At ‘wag ka palaangkin ng project na hindi naman ikaw ang nagsimula.

“Mas mataas ang posisyon mo tapos ikaw pa talaga ang naiinsekyur sa mga paani palang ng tagumpay?

Baka Bet Mo: Ogie Diaz sa paggamit ng vape ni Kathryn Bernardo: Bakit ginagawang big deal?

“Baket, ikaw lang ba ang anak ng Diyos?  Uy, kahit gaano karami pera mo kung wala kang contentment, para saan ‘yung yaman mon a hindi naman iyo?

“Kung hindi ikaw to, wala kang dapat alalahanin, pero kung ike-claim mon a naman na ikaw ang pinariringgan ko, guilty ka beyond reasonable doubt. Magpakabait ka, ‘wag ‘yung bait-baitan lang,” litany ni Ogie.

Sa pagkakataong ito ay hindi namin siya tinanong kung sino itong pinariringgan na idinaan pa sa blind item dahil tiyak na hindi rin niya sasagutin tulad din ng reaksyon namin sa mga nagtatanong kung sino ang blind item namin. Ha-hahaha!

Anyway, tiyak na madudulas din naman si Ogie sa vlog nilang “Showbiz Update” kasama sina Mama Loi, Tita Jegs at Ate Mrena kung sino ang pinatutungkulan niya kaya abang-abang lang.

Related Chika:

Kyline Alcantara hinding-hindi mapapatawad si Mavy Legaspi kapag nag-cheat: ‘Walang second chance’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vhong ayaw nang maalala ang taong ‘dedma lang’ nang hingan niya ng tulong para sa kasong rape

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending