Kyline Alcantara hinding-hindi mapapatawad si Mavy Legaspi kapag nag-cheat: 'Walang second chance' | Bandera

Kyline Alcantara hinding-hindi mapapatawad si Mavy Legaspi kapag nag-cheat: ‘Walang second chance’

Ervin Santiago |June 15,2023
facebook
share this

Kyline Alcantara hinding-hindi mapapatawad si Mavy Legaspi kapag nag-cheat: ‘Walang second chance’

Ervin Santiago - June 15, 2023 - 07:23 AM

Kyline Alcantara hinding-hindi mapapatawad si Mavy Legaspi kapag nag-cheat: 'Walang second chance'

Mavy Legaspi at Kyline Alcantara

KUNG sakali mang lokohin siya ng kanyang manliligaw at ka-loveteam na si Mavy Legaspi, hindi na bibigyan ni Kyline Alcantara ng second chance ang aktor.

Yan ang diretsahang sinabi ng Kapuso Sparkle star nang tanungin kung may pag-asa bang ipagpatuloy pa nila ni Mavy ang kanilang relasyon kapag nag-cheat ito sa kanya.

Napag-usapan ang tungkol sa isyu ng cheating nang mag-guest si Kyline sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Lunes, June 12.

Na-tackle kasi sa isang bahagi ng panayam ni Tito Boy sa dalaga ang ibinigay na second chance sa kanyang mga magulang na nagkahiwalay at muling nagkabalikan para sa kapakanan na kanilang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Tanong ni Tito Boy kay Kyline, “Meron bang magagawa si Mavy na hindi mo kayang patawarin?”

Ilang segundong nag-isip si Kyline sabay  sabing, “Alam niya naman po ‘yun e, kung ano ‘yung magagawa niya na hindi ko siya kayang patawarin at ‘yun ay cheating.”

Baka Bet Mo: Kyline pasado kay Carmina bilang dyowa ni Mavy

“Yeah but will you give him a second chance?” sundot na question ng veteran TV host.

Sey ng aktres, mukhang hindi raw niya mapapatawad si Mavy sakaling lokohin siya nito dahil na rin sa mga past experiences niya sa buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Sa mga napagdaanan ko po noon Tito Boy, if I give him a second chance, if mag-cheat man siya and I know na hindi naman niya gagawin, ibig sabihin po noon hindi ako natuto sa mga pinagdaanan ko. So no.”

Nilinaw din ni Kyline na hindi totoong magdyowa na sila ni Mavy tulad ng naglalabasang balita. Aniya, chilax lang sila kung anuman ang meron sila ngayon at hindi rin nila minamadali ang pagpasok sa seryosohang relasyon.

“Nandoon pa lang po kami sa courting stage and it might be cliche Tito Boy but we really taking things slow,” pahayag pa ni Kyline.

Samantala, nagpapasalamat naman sina Mavy at Kyline sa lahat ng mga sumusubaybay sa kanilang romcom  series sa GMA 7 na “LUV IS: Love At First Read” na napapanood bago mag-“24 Oras.”

Mavy gumawa ng tula at kanta para kay Kyline; Bea kilig na kilig

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Willie bibigyan ng bonus ang mga staff ng ‘Wowowin’; nagpasalamat sa positive comments mula sa madlang pipol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending