Kyline Alcantara umaming pareho silang na-bully ni Belle Mariano noong nagsisimula pa lang sa showbiz | Bandera

Kyline Alcantara umaming pareho silang na-bully ni Belle Mariano noong nagsisimula pa lang sa showbiz

Ervin Santiago |June 15,2023
facebook
share this

Kyline Alcantara umaming pareho silang na-bully ni Belle Mariano noong nagsisimula pa lang sa showbiz

Ervin Santiago - June 15, 2023 - 07:23 AM

Kyline Alcantara umaming pareho silang na-bully ni Belle Mariano noong nagsisimula pa lang sa showbiz

Kyline Alcantara at Belle Mariano

KUNG may dalawang Kapamilya young stars na gustong makatrabaho uli ni Kyline Alcantara, yan ay walang iba kundi ang mga kaibigan niyang sina Andrea Brillantes at Belle Mariano.

Dating magkakasama sa ABS-CBN ang tatlong youngstars na sabay-sabay na nangarap maging sikat at magaling na artista noong nagsisimula pa lamang sila sa mundo ng showbiz.

Sa mga hindi pa masyadong aware, nagsimula rin si Kyline sa Kapamilya Network at nakagawa roon ng ilang acting projects bago siya lumipat sa GMA 7. Ngunit kahit umalis sa ABS-CBN nanatili pa rin ang pagkakaibigan ng tatlong aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa naganap na mediacon para sa launching series ni Kyline at ng ka-loveteam niyang si Mavy Legaspi na “Love At First Read” ay natanong nga ang dalaga kung sino sa mga Kapamilya artists ang gusto niyang maka-collab kapag nabigyan ng chance.

Posible na kasi ngayon ang pagsasanib-pwersa ng mga Kapuso at Kapamilya stars dahil tuluyan na ngang natigil ang network war.

Nabanggit nga ni Kyline si Andrea na nakasama niya noong 2013 sa ABS-CBN afternoon series na “Annaliza.” Dugtong pa niya, “And, of course, gusto ko rin makatrabaho si Belle.”

Pagbabahagi pa ni Kyline, “Kasi lumaki ho kami together sa showbiz industry. Sabay kaming na-bully.”

Baka Bet Mo: Kyline may 3 espesyal na katangian na bet na bet ni Mavy; Mikael, Megan may ipakikilalang beauty queen sa ‘The Best Ka’

Rebelasyon pa ni Kyline, “Marami siyang nagawa na ako lang ang nakakaalam. Marami akong nagawa na siya lang ang nakakaalam.”

“Ang sarap ho sa pakiramdam kasi, siyempre, hindi man ho ganu’n kaparehas ang mga pinagdaanan namin dati, pero dati, grabe yung supporta namin sa isa’t isa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Belle Mariano 🧚 (@belle_mariano)


“Until now pa naman po grabe yung suporta namin sa isa’t isa. Grabe yung bond, grabe yung friendship. Hindi po siya masasabi na showbiz friendship. Hindi po talaga.

“So, ang sarap ho sa pakiramdam na, at last, unti-unti po naming nakakamit yung pangarap namin, na dati sinasabi namin, ‘Ah, sana ganyan tayo. Sana ganito tayo,’ kaya ang sarap ho talaga sa pakiramdam,” sabi pa ni Kyline.

Inalala rin niya ang nakakalokang biruan nila nila ni Belle noong nagsisimula pa lang sila sa showbiz, “Meron pa kaming mga biruan dati na, ‘Kakabili ko lang ng kotse.’ Pero nu’ng time na po na yon, wala pa kaming kotse.

“So, totoo nga po talaga na you just need to manifest it. You just need to give it to the universe and, of course, pray for it work, hard for it,” aniya pa.

Kuwento pa ni Kyline, huli silang nagkita ni Belle sa birthday party ni Darren Espanto.

Kyline sumabak sa ‘Divisoria Shopping Challenge’ para sa mga batang may cancer: These kids are fighters!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alden sumisid sa dagat para mamulot ng basura sa Batangas; Mavy, Kyline tuloy ang pagpapasabog ng kilig sa ‘Zero Kilometers Away’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending