Alden sumisid sa dagat para mamulot ng basura sa Batangas; Mavy, Kyline tuloy ang pagpapasabog ng kilig sa 'Zero Kilometers Away' | Bandera

Alden sumisid sa dagat para mamulot ng basura sa Batangas; Mavy, Kyline tuloy ang pagpapasabog ng kilig sa ‘Zero Kilometers Away’

Ervin Santiago - March 28, 2023 - 06:43 AM

Alden sumisid sa dagat para mamulot ng basura sa Batangas; Mavy, Kyline tuloy ay pagpapasabog ng kilig sa 'Zero Kilometers Away'

Alden Richards, Navy Legaspi at Kyline Alcantara

KUNG wala nang magiging problema, baka raw sa ibang bansa mag-spend ng Holy Week ngayong darating na Abril ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.

Ngunit tumanggi muna ang Kapuso matinee idol na sabihin kung saang bansa siya magpupunta at kung sino ang mga makakasama niyang magbakasyon nang ilang araw.

“Sa Holy Week baka mag-abroad, secret na lang kung saan. Yung first quarter kasi ng 2023 ko is more on planning in terms of mga gagawin kong projects,” pahayag ni Alden sa ulat ng “Balitanghali” sa GTV.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02)


Nagtungo naman sa Anilao, Batangas nitong nagdaang Sabado ang binata para makiisa sa coastal cleanup ng local government doon katuwang ang ilang mga residente roon.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naging bahagi si Alden ng isang cleanup drive, kung saan talagang sumisid din siya sa dagat para mamulot ng mga basura.

Sa panayam ng GMA, sinabi ni Alden na isang eye opener para kanya ang makasama sa isang makabuluhang gawain tulad ng naging karanasan niya paglilinis ng karagatan.

Samantala, kinumpirma rin ng award-winning Kapuso actor na bukod sa pelikula ay may gagawin din siyang bagong programa sa GMA ngayong 2023 kung saan siya ang magiging host.

Baka Bet Mo: Mavy gumawa ng tula at kanta para kay Kyline; Bea kilig na kilig

* * *

Kakaibang chemistry at pagpapakilig ang hatid ng Sparkle Sweethearts na MavLine sa “Zero Kilometers Away,” ang digital series ng GMA Public Affairs na natapos kamakailan.

Hindi nakagugulat na may mahigit 35 million views and counting na ito sa Facebook at YouTube.

Napaka-relatable ng kwento nina Ardi (Mavy Legaspi) at Gwen (Kyline Alcantara), lalo na para sa mga naghahanap ng kanilang one true love.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maverick Legaspi (@mavylegaspi)


Halu-halong emosyon ang mararamdaman kapag pinanood ito at maraming aral tungkol sa buhay at pag-ibig ang maaaring mapulot.

Inabangan din dito ang mga respetadong TV personality gaya nina Kara David, Kuya Kim Atienza, Drew Arellano, at Iya Arellano na nasa “artista era” nila, ayon sa mga viewers.

Sa mga naaaliw sa serye, pwedeng balik-balikan ang mga eksena dahil available ito sa iba’t ibang online platforms ng GMA Network at sa YouTube channel at Facebook page ng GMA Public Affairs.

Dapat ding pakaabangan ang isa pang digital series ng GMA Public Affairs, ang “In My Dreams” na pagbibidahan naman nina Sofia Pablo at Allen Ansay. Tiyak na nakaabang na rito ang Team Jolly. This April na ito mapapanood online.

Kyline sumabak sa ‘Divisoria Shopping Challenge’ para sa mga batang may cancer: These kids are fighters!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alden naghahanap ng girl na may ‘big brain’: Kung ikaw lang ang nag-iisip at dumidiskarte sa relasyon parang solo ka lang din

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending