Mavy Legaspi, Ashley Ortega sweet na sweet sa Sinulog, magdyowa na raw
NANINIWALA ang mga fans nina Mavy Legaspi at Ashley Ortega na may namamagitan ng “something” sa pagitan ng dalawang Kapuso stars.
Viral ngayon ang mga litrato at video nina Mavy at Ashley sa social media kung saan makikita silang magkasama habang pumapasok sa isang building sa Cebu City with matching holding hands pa.
Nagkasama sina Mavy at Ashley sa Cebu City sa event ng GMA para sa selebrasyon ng taunang Sinulog Festival last January 19, 2025.
Baka Bet Mo: Ashley Ortega dedma muna sa mga lalaki: I don’t need a guy in my life!
Sa napanood naming video, makikita ang anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na nakasuot ng black shirt at gray na short, habang si Ashley naman ay naka-white cropped tank top and maong pants.
View this post on Instagram
May caption ng nasabing viral video na, “Mavy and ashley spotted.”
Kasunod nito, mismong si Mavy na ang nag-post sa kanyang Instagram page ng photo nila ni Ashley kahapon, January 20, na kuha sa pakikisaya nila sa Sinulog Festival.
Sa isang photo ay makikita sina Ashley at Mavy na may nakatakip na puting tela sa kanilang mga mukha habang sa isang group photo naman ay nakayakap pa si Ashley sa balikat ni Mavy.
Ang inilagaya lamang na caption ni Mavy sa kanyang post ay, “Pit senyor! daghang salamat cebu/cebuanos! had a great sinulog festival with you guys!”
Ayon sa mga comments ng netizens mukhang magdyowa na nga raw ang dalawa at suportado naman ng fans sakaling may relasyon na ang mga ito, total pareho na naman daw silang single.
View this post on Instagram
Matagal nang hiwalay si Mavy sa ex-girlfriend niyang si Kyline Alcantara habang break na rin si Ashley sa dating karelasyong si Lucena City Mayor Mark Alcala. Narito ang mga nabasa naming comments sa IG post ni Mavy.
“Bagay sila!! Maganda si Ashley ahhh ganda ng face nya.”
“Super bagay kayo ni Ashley sana magkasama kayo sa Teleserye yun Romantic Comedy Ang Story.”
“Sobrang gwapo at sobrang ganda, bagay na bagay kayo ni @ashleyortega.”
“We love you both @ashleyortega and @mavylegaspi hardlaunch na!”
“New GF reveal!”
“Happy naman kaya ang nanay ni mavy?”
“Tapang ni mavyboy..Sana ganun din si C at M.”
“Sabi ko na nga ba at may gusto si Mavy kay Ashley, I watched the Sarap Di Ba nina Ashley and Lianne, yung may paghawak si Mavy kay Ashley, sabi ko balang araw mag jowa ang dalawang eto. Nangyari nga.”
“‘Yun oh… ang dami na namang stress, @mavylegaspi . knows mo na kung sino sila.”
Wala pang pagdedenay o kumpirmasyon sina Mavy at Ashley tungkol sa kanilang relasyon kaya abangers na lang muna tayong lahat mga ka-BANDERA!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.