Ashley Ortega nakiiyak sa mga nakilalang comfort women: Heartbroken!
DALANG-DALA rin ang mga manonood sa pagganap ni Ashley Ortega bilang isang Comfort Woman sa Kapuso hit historical-drama series na “Pulang Araw.”
Hinangaan ng viewers ang intense scene ni Ashley as Sister Manuela Apolinia na pinahirapan at ginahasa rin ng mga sundalong hapon noong panahon ng World War II.
Inamin ng Kapuso actress sa naganap na Pandesal Forum kamakailan na ngayon lang din niya nalaman kung gaano kahirap ang naging buhay noon ng mga Comfort Women.
“Siyempre, bilang pagganap ng isang comfort woman ay talagang mabigat. And when I found out na iyon yung role na gagawin ko, nu’ng una ay kinabahan talaga ako.
Baka Bet Mo: Sanya ibinuking rape scene nila ni Dennis: Totoo na yung pawis namin
“Kasi magiging honest po ako, hindi po ako masyadong aware sa lahat ng mga nangyari sa mga comfort women. I’m really grateful na I did some research about it, na-meet ko yung mga lolas, at talagang I was heartbroken.
View this post on Instagram
“Tama po yung sinabi ni Ate Sanya (Lopez), lahat kami nag-iiyakan sa room na yun. May mga kasama kaming press, kasama namin ibang creatives, pati sila naiiyak, hindi lang kaming artistang gaganap ng role nila,” pahayag ni Ashley.
“So now, yung Pulang Araw na ipinapakita ang istorya ng comfort women, and nakikita ko yung mga comments, mga feedbacks, mga reviews ng mga netizens natin, and they’re aware of what’s going on now.
“Ngayon lang nila nalalaman na may ganito palang nangyayari during World War II. Iyon yung gusto naming iparating, kasi nga bilang isa din ako sa mga taong hindi pa completely aware sa pinagdaanan nila,” kuwento pa ng dalaga.
Patuloy pa niya, “So now, I am happy na yung mga students siguro nalalaman nila kung ano yung mga nangyayari.
“And I think it’s about time na isalaysay namin yung istorya ng mga comfort women para hindi maulit at para mabigyan ng hustisya yung mga comfort women natin, tulad ng mga ipinaglalaban ng mga nandito.
View this post on Instagram
“Ang iba ay hindi pa nakatanggap ng hustisya. Iyun po siguro ang pinakamasakit na puwedeng maramdaman nila.
“Kasi bilang mga comfort women, alam mo parang naranasan din namin yung nangyari sa kanila. Yung eksenang mabibigat talaga na iniisip ko every after scene na, grabe nangyari talaga ito.
“Hindi lang pala to eksena, what more yung talagang totoong comfort women na talagang pinagdaanan nila iyun. Masakit talaga sa puso.
“So now I’m really happy na nagiging voice ang Pulang Araw. Nagiging aware ang mga kabataan natin ngayon sa mga nangyari, hindi lang tungkol sa comfort women story, pero yung mga nangyari talaga nung giyera.
“Napakaraming mga Pilipinong nagsakripisyo, lumaban para sa freedom na ini-enjoy natin ngayon,” ang tuluy-tuloy na pahayag ni Ashley.
Kasama rin sa nasabing serye sina Alden Richards, Barbie Forteza, David Licauco, Dennis Trillo at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.