Thia Thomalla engaged na sa non-showbiz BF: Fiancé reveal!
ENGAGED na ang Kapuso actress-beauty queen na si Thia Thomalla sa kanyang non-showbiz boyfriend na si John Castelar.
Ibinandera ni Thia sa kanyang social media account ang good news kalakip ang mga sweet photos na kuha sa isinagawang proposal ni John sa Minoo Fall sa Osaka, Japan.
Makikita sa isang photo ang eksena nang lumuhod na si John sa harap ng Kapuso star hawak ang kaliwang kamay nito.
“Fiancé reveal!” ang maikling caption ni Miss Eco International 2018 at UN Goodwill Ambassador sa kanyang IG post with matching ring emoji.
Baka Bet Mo: Thia Thomalla wala nang balak mag-join sa Miss Universe PH: I don’t think I have it in my heart anymore
Bumuhos naman ang congratulatory message para sa engaged couple kabilang na riyan ang mga kapwa niya Kapuso artists.
“OMG! Eto na! I am so happy for you, I love you!” ang pagbati ng Kapuso actress at beauty queen na si Winwyn Marquez said.
View this post on Instagram
Komento ni Edgar Allan Guzman, “Congrats iha!
Sey naman ni Late Valdez, “Congratulations Ate @thia_thomalla!”
Mensahe ni Sanya Lopez, “Ayan na Bambiiii! Congratulations to you and John!”
Bumati rin kina Thia at John ang kambal na sina Cassy Legaspi at Mavy Legaspi, Jason Abalos, Shaira Diaz, Pauline Mendoza, Sophie Albert, Carla Abellana, Megan Young, Analyn Barro, at marami pang iba.
Huling napanood si Thia sa Kapuso series ma “First Yaya” at “First Lady” na pinagbidahan nina Sanya at Gabby Concepcion.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.