BGYO solid na solid pa rin; Korina may mga ibinuking kay Sarah Discaya
“ANDITO Lang” ang titulo ng bagong awitin ng P-pop group na BGYO na hango sa solid na samahan ng grupong kinabibilangan nina Gelo, Akira, JL, Mikki, at Nate.
Tungkol ito sa pakikiisa at pakikiramay sa mga kaibigan at taong minamahal sa panahon ng pagsubok.
Isinulat ito ni BGYO member Nikki katulong si Chris Lopez aka Moophs na kumuha ng inspirasyon sa karanasan ng grupo habang naninirahan na malayo sa kanilang pamilya at humaharap sa iba’t ibang pagsubok pagdating sa kanilang karera.
Baka Bet Mo: BGYO Gelo naaksidente sa PPopCon, napuruhan sa mata at pisngi
Napapanood na rin ngayon ang official visualizer ng “Andito Lang” sa BGYO Official YouTube channel.
View this post on Instagram
Sinusundan ng awitin ang unang international single ng OPM boy group na “Trash.” Inilabas din ng grupo ang mga kantang “Gigil” at “Patintero” nitong nagdaang taon.
Napapakinggan na ang “Andito Lang” ng BGYO sa iba’t ibang music streaming platforms
* * *
Babaha ng luha sa latest episode ng “Korina Interviews” sa unang Sunday ng 2025 (January 5) sa naging heart to heart talk ni Korina Sanchez-Roxas kasama ang aspiring mayor ng Pasig na si Sarah Discaya.
Bago niya ma-achieve ang mala palasyong tirahan, at kumpanya grabe pala ang paghihirap na pinagdaanan nilang mag asawa.
Nangungutang ng 5/6 noon. Sumugod sa baha makuha lang ang perang inutang.
Buo rin ang kanyang loob na maging single mom noon? Bakit kaya?
Hindi raw humihinga ang panganay niyang anak nang maipanganak!
Na-bully at sinasaktan ng mga kaklase noon sa England dahil sa kanyang itsura?
Bakit nangangahas na pumasok ngayon sa mundo ng pulitika? Ano ang mga plano niya para sa Pasig?
Stay tuned ngayong Linggo dahil iisa-isahin ang lahat ng ito at marami pang iba only on “Korina Interviews”, this Sunday, 6 p.m. pagkatapos ng romantic-comedy series na “Goodwill” sa Net25.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.