Magic Voyz pa-yummy sa 2nd concert; indecent proposal dumami

Magic Voyz pa-yummy sa 2nd concert; indecent proposal mas dumami

Ervin Santiago - October 29, 2024 - 12:39 PM

Magic Voyz pa-yummy sa 2nd concert; indecent proposal mas dumami

Magic Voyz at Lito de Guzman

IN FAIRNESS, mabilis ang pag-arangkada ng pinakabagong all-male group ngayon sa entertainment industry — ang Magic Voyz.

Bukod nga sa super P-pop group na SB19 at sa isa pang promising na grupo na BGYO, nadagdag nga sa listahan ng mga tinitilian at hinahangaan ng madlang pipol ay ang Magic Voyz.

Isa sa mga kayang gawin ng MV na hindi pa yata nagagawa ng iba pang P-pop group sa Pilipinas ay ang magpa-sexy on stage at magpa-yummy sa kanilang mga production numbers.

Baka Bet Mo: Marco dumami ang indecent proposal dahil sa ‘papwet’ sa movie; inalok ng P35k kapalit ng…

Tulad nga ng ginawa nila sa kanilang second  pasabog na concert sa Viva Café sa Cubao, Quezon City nitong nagdaang Linggo, October 27 na talaga namang jam-packed at sinugod ng kanilang mga supporters and friends.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Magic Voyz (@magicvoyz)


Napanood namin ang launching nila a few weeks ago na ginanap din sa Viva Café at masasabi naming napakalaki ng improvement nila ngayon pagdating sa performance.

Mas solid at mas confident na ang mga miyembro ng grupo na sina Asher Diaz, Marcia Jhon Mark, Juan Paulo Calma, Rave Obado, Jace Ramos, Johan, Mhack Morales at Ian Biones.

Mas ginanahan pang humataw on stage ang grupo nang makita nilang naghihiyawan at nagpapalakpakan ang audience. Punumpuno ang venue at halos wala nang maupuan ang mga nagdaratingang guests and customers.

In fairness uli, halos lahat ng nanood sa show ay nagsabing nakaka-LSS (last song syndrome) ang mga kanta ng Magic Voyz, tulad ng “Wag Mo Akong Titigan” at “Bintana” na palaging napapakinggan sa mga FM radio station.

Naging special guest sa second concert ng Magic Voyz sina Meggan Marie, Ayah Alonzo, Marianne Saint, Yda Manzano, at ang sexy actress na si Krista Miller na may ibubuga rin pala sa pagkanta at pagsayaw.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Magic Voyz (@magicvoyz)


Super proud naman ang manager ng Magic Voyz na si Lito de Guzman dahil unti-unti nang gumagawa ng sariling pangalan ang kanyang mga talents kung saan ang ilan sa mga ito ay nakagawa na rin ng mga pelikula, partikular na sa Vivamax o VMX.

Napanood din namin sila kamakailan sa highest-rating game show ng GMA 7 na “Family Feud” hosted by Dingdong Dantes. Ibig sabihin talagang nakikilala na ang MV.

Samantala, sa panayam naman ng media sa grupo ay natanong sila tungkol sa mga indecent proposal na natatanggap nila.

Totoo raw na dumami ang mga nag-aalok sa kanila ng ganitong offer. Sabi ni Mhack, “Hindi naman po mawawala ‘yung ganon, pero ‘di naman po namin pinapansin. Kasi naka-focus po kami sa rehearsals, sa bagong kanta, sa mga movie namin. Trabaho po talaga kami.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wait na lang kayo sa mga susunod na pasabog ng Magic Voyz na siguradong pag-uusapan ng madlang pipol.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending