Magic Voyz super idol ang SB19; hindi lang pa-sexy ang kayang gawin
IN FAIRNESS, promising ang bagong all-male group na Magic Voyz, na nasa ilalim ng pangangala ng LDG Productions at Viva Records.
Napanood namin sila sa launching ng kanilang grupo kamakailan sa Vica Café kung saan ibinandera nila ang kanilang “the moves” with their two single – ang “‘Wag Mo Akong Titigan” at “Bintana.”
Ang Magic Voyz ay binubuo nina Jhon Mark Marcia, Juan Paulo Calma, Mhack Morales, Rave Obado, Jace Ramos, Ian Briones at Johan Shane. Sila ang mga bagong alaga ng talent manager na si Lito De Guzman.
Pak na pak ang inihanda nilang production number para sa kanilang mga supporters at sa mga miyembro ng entertainment media na dumalo sa kanilang launching.
Baka Bet Mo: Bakit biglang umalis ang drummer ng P-pop group na The Juans, may issue ba?
Hindi lang sila basta all-male sexy group dahil talagang sing and dance lahat ng members, bukod pa sa totoong magaganda ang kanilang boses na pwedeng makipagsabayan sa mga sikat na P-pop groups.
After ng kanilang performance sa Viva Café, may mga nagkomento na pwedeng-pwedeng sumikat ang Magic Voyz tulad ng super P-pop group na SB19, pati na rin ang BGYO.
Ayon sa mga members ng grupo, idol na idol din nila ang SB19 at sana raw ay maabot din nila ang tinatamasang kasikatan ng sikat na sikat na grupo hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang panig ng mundo.
Paglilinaw ni Yohan sa pagbuo ng kanilang grupo, “Hindi namin siya binuo para makipagkumpetensiya. So, binuo namin siya because we have a magic. At gusto lang naming mag-enjoy at magpasaya ng tao through our songs and performances.”
Sa pitong members ng Magic Voyz, una nang nakilala bilang artista sina Jhon Mark, Juan Paulo Calma at Mhack Morales partikular na sa mga pelikula ng Vivamax.
Sina Jace at Johan naman ang talagang pambato ng grupo sa kantahan, in fact, todo palakpakan ang audience nang ibirit nila ang “Maybe This Time” na pinasikat ni Sarah Geronimo.
Ayon sa manager ng grupo na si Lito de Guzman na isinunod ang pangalang Magic Voyz sa Magic Mike sa Hollywood, “Nakaka-miss ulit ang mag-manage ng grupo. Sing and dance talaga ang challenge ko sa buhay.
“Nakikita ko kasi na patok ngayon ang mga boy group. So, naisip ko, bakit hindi ako mag-training ng mga boys na nag-lead na sa mga movies?
“Gusto ko kasi, may patunguhan din ‘yung paghuhubad nila at mai-showcase ang kanilang versatility. Ang packaging, sexy actor pero may talent, marunong kumanta, sumayaw aside from acting,” sabi pa ng talent manager.
For booking ang inquiries, puwedeng kontakin ang Magic Voyz sa kanilang Facebook page. Maaari ring tawagan sa Viva Artists Agency at cell number na 09178403522.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.