Vivamax stud Jhon Marcia walang takot na ipinakita si 'Junjun': Todo na! | Bandera

Vivamax stud Jhon Marcia walang takot na ipinakita si ‘Junjun’: Todo na!

Ervin Santiago - June 17, 2024 - 08:02 AM

Vivamax stud Jhon Marcia walang takot na ipinakita si 'Junjun'

Jhon Marcia, Julia Victoria, Ataska at Joel Lamangan

HINDI na nag-inarte at nagdalawang-isip ang pinakabagong Vivamax hot stud na si Jhon Marcia sa pagpo-frontal sa pelikulang “Sisid Marino.”

Mismong ang binata na ang nagsabi na sobrang tindi ng mga ginawa niyang eksena sa “Sisid Marino” at napapayag talaga siya na ipakita ang kanyang private parts sa harap ng camera.

Sabi ni Jhon sa ginanap na presscon ng latest Vivamax Original Movie game na game agad siya sa mga halikan at love scene kasama ang leading lady niyang si Julia Victoria na isa ring palaban sa hubaran.

Baka Bet Mo: Paolo Gumabao sa sex scenes nila ni Vince Rillon: Ano p’re? Sasagarin ko ’to ha, para one take lang!

Ayon sa binata, itinodo raw niya ang lahat ng makakaya niya sa pelikula dahil napakalaki ng tiwala niya sa kanilang direktor, walang iba kundi ang award-winning veteran filmmaker na si Joel Lamangan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vivamax Atin ‘To (@vivamaxph)


“Actually talagang kinakabahan po ako sa mga sex scenes namin sa movie pero hindi na po ang nag-inarte. Direk Joel na iyan! Tiwala po ako sa kanya sa lahat ng eksenang ipinagawa niya sa amin,” sey ni Jhon.

At in fairness, hindi raw gumamit ng  prosthetic si Jhon sa pagpapakita ng kanyang “Junjun” sa movie, as in talagang tunay daw ang makikita ng mga manonoood sa ginawa niyang frontal nudity. Hindi tulad ng ibang male sexy actors na peke ang ipinakikita on screen.

Sa kuwento ng “Sisid Marino”, ang sex addiction ng isang bagong mag-asawa ay magiging sanhi ng pagkasira ng relasyon nila sa kanilang pamilya, mga kaibigan, at komunidad.

Panoorin ang mapangahas na sexy drama movie na ito mula sa award-winning director na si Joel Lamangan na pinagbibidahan nga nina Julia Victoria at Jhon Marcia, kasama sina Ataska, Cariz Manzano at Yda Manzano.

Baka Bet Mo: Kylie Versoza naniniwalang hindi lang tungkol sa sex ang ‘Sisid’: It’s not just a sexy films maganda ‘yung kuwento

Eksklusibong napapanood ngayon ang “Sisid Marino” sa Vivamax na nagsimula last June 14.

Ikakasal sa isang baryo sa Zambales ang childhood sweethearts na sina Elmer (Jhon Mark), isang dating seaman, at Susan (Julia), isang clerk sa local civil registrar’s office.

Gaganapin ang wedding reception sa isang bahay malapit sa tabing-dagat, na ipinatayo ni Elmer mula sa kanyang kinita abroad. Agad na mabubuntis si Susan pagkatapos ng kanilang mainit na honeymoon.

Para masuportahan ang lumalaking pamilya, kukuha si Elmer ng bangka para mangisda sa West Philippine Sea. Pero ang kanilang saya ay mapapalitan ng lungkot nang mamatay ang kanilang baby matapos ipanganak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vivamax Atin ‘To (@vivamaxph)


Matindi ang epekto nito kay Susan, lalo na at nakunan na siya dati. Dahil sa pagmamahal at suporta ni Elmer, unti-unti siyang makaka-recover at muli silang susubok magkaanak.

Mamomroblema sila sa pera nang ma-scam ang ina ni Elmer at naging madalang ang kanyang huling isda dahil sa kaguluhan sa karagatan.

Lalapitan ni Elmer ang kanyang mga kamag-anak at kaibigan para maningil ng utang. Si Elmer ay malulugmok pero pinapasigla naman siya ni Susan sa kama. Ginagamit nila ang kanilang walang humpay na pagtatalik bilang lunas sa kanilang pagkalugmok.

Dadagdag sa problema ang seksing kapitbahay na si Flor (Ataska), na aalukin si Elmer ng kanyang katawan bilang pambayad utang.

Nararamdaman ni Susan ang kataksilan ni Elmer, at pinaghihinalaan niya ang kapatid na si Abby (Ataska) na malapit sa asawa. Para mabantayan si Elmer, magre-resign si Susan sa trabaho. At nang mailit ng bangko ang bangka ni Elmer, parehong mawawalan ng trabaho ang dalawa.

Sa kabila ng kanilang gutom at lumalaking utang, walang tigil lang sila sa pagtatalik. Meron din silang delikadong sexual habits para sa mas matinding kasukdulan.

Nag-aalala na ang kanilang pamilya at kaibigan kaya lalayo sa kanila ang mag-asawa at ituturing silang mga kaaway.

Sa kanilang nakakabahalang pagkahumaling sa sex, mapapasok sina Elmer at Susan sa isang mundo ng delusyon at nakakagulat na mga rebelasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Masama nga ba ang sobra? Ang matinding pagnanasa ba nila sa isa’t isa ay hahantong sa kapahamakan at panganib?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending