‘Kahit kailan hindi ko minaliit ang mga sumasali sa Bikini Contests!’
HINDI ko na sana papatulan ang patutsada ng Bikini Boy na si Allen Ong Molina against me pero marami na sa mga kaibigan natin ang medyo nababahala na just to show a little concern for me.
Okey, linawin natin ang little issue na ito with him. I have nothing personal against this boy – FYI lang po – dahil unang-una, he has never done me any harm.
This sexy and flawless Bikini Boy Allen is seen regularly with many others in bikini contests either as a candidate or guest performer. Guwapo talaga and sexy because he’s usually clad in super-skimpy bikini at palagi niyang inilalabas ang flawless niyang butt.
He’s such a good sight for many gay aficionados, including me. I admit that. Ang sinasabi ko lang sa aking mga palabas ay naiilang kaming mga badingding dahil lahat ng sasalihan niyang palabas na very sexy ay kasama niya palagi ang dyowa niyang girl, medyo chubby na pretty naman.
That was just my point – nagtatanungan kaming magkakaibigan kung hindi ba naiilang ang dyowa niya na nakabuntot palagi sa kaniya tuwing may ganitong palabas, does she enjoy watching her boyfriend na pinagpipistahan ng mga bading tuwing lumalabas ang maliit na bukol nito at maputing puwet?
Sorry for the language. Babae kasi siya and these events na sinasalihan niya ay gay-monopolized. Puwede naman kasing either maiwan ang girlfriend niya sa bahay or sasakyan kasi kami ang naiilang para sa kaniya.
The girl is also charming, very nice and warm – kaya lang, what I am saying is nakakailang lang tingnan, di ba naman? Hindi namin minamaliit kailanman ang pagiging Bikini Boy niya, we have so much respect for that – hindi ganoon kadali para sa isang bata ang magbilad ng katawan tuwing sumasali, kaya lang, for someone like him na super-guwapo, flawless at maganda ang katawan, we would expect him to level up naman.
I mean, hindi naman siguro magandang tingnan that you see him in every show (figuratively dahlins!). Sa tagal na niyang nakabilad sa napakaraming Bikini Opens and winning many of them, inasahan naming sana ay tumaas na ang antas ng kaniyang pagiging artist unless ito’y ginawa na talaga niyang hanapbuhay.
Puwede naman siyang mag-explore sa ibang mundo – sa showbiz halimbawa, sa modeling, o sa negosyo. Like itong sina Aeron Cruz and Jhon Mark Marcia, they still join bikini contests pero meron silang pinagkakaabalahan on the side.
Nag-attempt si Aeron na sumali sa Gandang Lalaki ng It’s Showtime at naging finalist while itong si Jhon Mark naman ay nag-try sa lechon business at nang mukhang hindi umubra ay nagtayo ng gym at bumalik sa pag-aaral.
Impressive, di ba? Even in some private shows na naiimbitahan itong si Mr. Allen Ong Molina, he still does the same act na kasama ang girlfriend. Doon kami naiilang.
Okay, ganito ang huling scenario – nag-post si kaibigang Leklek Tumalad of Asia ng isang Bikini event na naman na ipinagpoprodyus niya with some photos of same old bikini models and there nag-comment ako (a joke I suppose sa aming mga badingding) ng “Wala na bang bago?”
I mean, sila-sila pa rin ang mga candidates. It was a general statement na aliw lang. Pero bigla akong nakabasa ng comment from this Allen Ong Molina saying na mag-discover daw ako ng bago para may bago.
And without my knowledge, naglitanya na pala ito sa kaniyang wall (itinawag lang ito sa akin ng ilang friends ko) at kumukuha na ng public sympathy na wari mo’y ibinabagsak ko raw siya dahil lagi ko raw siyang tinitira at hindi raw siya pababayaan ni Lord na bumagsak dahil wala naman daw siyang ginagawang masama – or something to that effect.
Hindi raw tulad kong matanda na at walang ginawa kundi ang manira lang at makalibre sa mga palabas nila.Tilad-tilarin nga muna natin hijo: unang-una, I was just stressing a point of your girl na palaging nakabuntot sa iyo, ang sabi ko ay naiilang kami for her, masama ba iyon? Hindi pambabagsak iyon.
It’s a fact na totoo namang ikinaiilang ng kabadingan dahil gay events ito and and what is she doing there, di ba? Sa sinasabi mong nakikilibre ako, sorry, Mr. Allen Ong Molina – mahirap talaga ang walang alam minsan.
For you information, hindi po ako nakikilibre, hindi ako naggi-gatecrash sa bikini contests n’yo, sumusuporta lang po ako sa mga kaibigan kong nagpu-produce ng ganitong palabas.
They either get me as a judge (and take note Mr. Allen Ong Molina, libre ang serbisyo namin for them as judge para masuportahan lang ang inyong hanay) at pag umorder ako ng anything sa bar na pinupuntahan ko ay nagbabayad ako.
And in some of your contests, there are times na nagbibigay pa kami ng konting pera para pangdagdag sa ibibigay sa mga papremyo. Hindi ito panunumbat, ipinaaalam ko lang sa iyo ang totoo para malaman mo kung sino ang sinasabihan mong “nakikilibre” lang.
In short, in some ways ay nakatulong pa siguro ako sa iyo, part of your winning money sometimes ay bahagi rin ang maliit na kontribusyon ko kaya wala kang karapatang sabihing nakikilibre lang ako. Hindi man ako mayaman Allen Ong Molina pero hindi ako freeloader.
Yung comment kong iyon ay para kina Leklek Tumalad of Asia and their likes, saying na sana ay meron namang bagong contestants naman para mas exciting, di ba? Kung tinamaan ka roon dahil isa kang lumang contestant, hindi ko sinasadya.
May ilang patrons pa itong si Allen Ong Molina na naniwala sa pinagsasasabi niya kaya ako naman ang tinira ng mga baklitang hayok sa laman.
Meron pang isang nagsabing ipaalala sa akin ang pipino story ko raw. Ha-hahaha! Stupid gay, di ba? Anyway, I have said my piece, Mr. ALLEN ONG MOLINA, di ba, gusto mo all caps ang name mo.
I hope I have made myself clear. Inuulit ko lang, wala akong balak na pabagsakin ka dahil unang-una, you are not even part of my consciousness. What for at pababagsakin kita?
Siguro nama’y dapat ka nang matuwa dahil pinatulan na kita for once. Again, sorry if I’ve offended you, yes, pero I will still continue na pumuna at pumuri sa lahat ng gusto kong punahin at purihin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.