Albie Casiño walang masamang karanasan kay Joel Lamangan
Trigger Warning: Mention of sexual harassment, sexual abuse
HOT topic pa rin ngayon sa apat na sulok ng kashowbizan ang sunud-sunod na kaso ng sexual harassment sa mundo ng showbiz na puro kalalakihan ang biktima.
Unang lumantad ang baguhang Sparkle artist at panganay ni Niño Muhlach na si Sandro Muhlach, na sinundan ni Gerald Santos na hinalay umano ng musical director na si Danny Tan.
Baka Bet Mo: PBB: Ang harassment ay isang bagay na hindi palalagpasin ni Kuya kailanman
Bigla ring nagsalita ang hunk actor na si Ahron Villena na umaming biktima rin ng sexual harassment ng isang direktor at ang pinagsamantalahang baguhang news researcher ng TV5 ng isang TV executive.
View this post on Instagram
Kaya naman sa naganap na presscon ng bagong Vivamax Original Movie na “Butas” nitong nagdaang Martes, August 27, natanong ang lead star nitong si Albie Casiño kung ano ang reaksyon niya sa sunud-sunod na sexual harassment case sa bansa among male celebrities.
Simulang sagot ni Albie, “I always speak for myself but I don’t want to speak and maybe invalidate other people. So, yun ang unang-una kong sasabihin.
“Everything I can say right now is only based on my sole experience. I can’t talk about anyone else’s experience other than my own because everybody has the right to live their own experience.
Baka Bet Mo: Andrew E. never nakaranas ng sexual harassment: Hindi naman kasi ako katuksu-tukso
“But this is, like I’ve said, my experience. Never naman may nangyari where I felt taken advantage of. Never!
“I’ve worked with multiple directors and I’ve had to wear plaster multiple times, and I’ve never felt violated. Thank God na rin that it never happened to me. But like I said, I don’t wanna be invalidating anyone else’s experience,” paglalahad ng aktor at celebrity dad.
View this post on Instagram
Wala mang binanggit na pangalan si Albie sa mga sumunod niyang pahayag ay mukhang patungkol ito sa premyadong direktor na si Joel Lamangan.
Ang paniniwala kasi ng marami ay su Direk Joel ang pinatutungkulan ni Ahron Villena na siyang nangharas sa kanya noong nagsisimula pa lang siya bilang artista. Nangyari raw ito sa shooting ng kanilang pelikula kung saan kailangan niyang maglagay ng plaster sa kanyang private parts.
Sey ni Albie, “I’ve never had anything bad…I want to say something kasi I feel like this director I’ve worked with before is kinda under fire. But like I said, I’ve worked with him and nothing bad ever happened.”
Ilan sa mga pelikulang ginawa ni Albie na idinirek ni Joel Lamangan ay ang “Rainbow’s Sunset” (2018), “Isa Pang Bahaghari” (2020) at ang Vivamax movie na “Biyak” (2022).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.