PBB: Ang harassment ay isang bagay na hindi palalagpasin ni Kuya kailanman Bandera

PBB: Ang harassment ay isang bagay na hindi palalagpasin ni Kuya kailanman

Ervin Santiago |November 23,2021
share this

PBB: Ang harassment ay isang bagay na hindi palalagpasin ni Kuya kailanman

Ervin Santiago November 23, 2021 - 02:10 PM

SUNUD-SUNOD ang kontrobersya at isyung kinasasangkutan ng mga celebrity housemates sa season 10 ng reality show ng ABS-CBN na “Pinoy Big Brother”.

Pagkatapos ng pinag-usapang episode ng “PBB” tungkol kina Brenda Mage, Albie Casino at Alexa Ilacad, hot topic pa rin ngayon ang umano’y nagaganap na “harassment” sa loob ng Bahay ni Kuya.

Ito’y matapos akusahan ng ilang netizens na tumututok sa 24/7 Kumu livestream ng reality show, na mukhang may nagaganap ngang harassment nang mapanood nila ang usapan ng mga housemates na sina TJ Valderrama at Shanaia Gomez.

Kaya naman agad na kinausap ni Big Brother ang mga housemates (magkahiwalay na nagtungo ang mga babae at lalaki sa confession room) tungkol sa kontrobersya. Kasunod nito, nagkasundo ang mga housemates na magkaroon sila ng physical boundaries.

Habang pinaaalalahan ni Kuya ang mga celebrity housemates ay ipinakikita naman ang mga eksena sa loob ng PBB house kung saan makikita nga ang kanilang “intimate” at “sweet” moments.

Mensahe sa kanila ni Big Brother, “Maganda ang pagpapakita ng appreciation at affection para sa isa’t isa. Gusto ko lang sabihin na kayo ay public figures. 

“Sana lang ay maging maingat kayo kung paano niyo ipinapakita ang appreciation ninyo para sa isa’t isa. Dahil minsan, maaaring hindi ito naiintindihan, lalo na kung hindi nila alam ang buong konteksto nito,” sabi pa nito.

Nang muling magkasama-sama ang mga housemates agad nilang pinag-usapan ang ipatutupad nilang “boundaries” sa loob ng Bahay sa pangunguna nina Samantha Bernardo at Jordan Andrews.

“We all are so close, but in this situation, what might be okay with you in how you are being treated, might not be okay with someone else,” sey ni Jordan.

Dagdag naman ni Samantha, “Kailangan natin mag-set ng healthy boundaries with each other, at kailangan openly at wholeheartedly natin itong pag-usapan.”

Para naman kay TJ na umaani ngayon ng pagpuna mula sa netizens, “Tulad ng sinabi niyo, galing tayo sa pandemic, na walang touching, may physical distancing. And then we’re here, we’re all negative, we’re in one house, and family tayong lahat. Hindi mo mapigilang magpakita ng physical na affection.

“Puwede rin na iba ‘yung tingin, iba ‘yung anggulo. Mukhang…alam niyo na. Hindi natin mapigilan kasi ‘yung sinasabi ng iba. Hindi natin mapipigilan ‘yun,” aniya pa.

Sey naman ni Shanaia, “If you see something that you think you should ano… tell that person, ‘Uy, maybe don’t do that na lang.’ Parang ganu’n. Para alam niya.”

Nang tanungin naman ang mga housemates kung sang-ayon sila sa pagse-set ng boundaries sa loob ng Bahay ni Kuya, sabi ni TJ, “Somehow, makaka-damage ‘to sa relationship natin dito sa house. Magkakailangan ‘yan, for sure.

“E, ayaw din naman ni Kuya ‘yun, na mawala ‘yung relationship natin sa isa’t isa. So we have to find that sweet spot na parang sakto lang, pero hindi mawawala ‘yung love natin, affection natin sa isa’t isa,” katwiran pa niya.

Sa ending, nagkasundo rin ang lahat na maging maingat at responsable sa kanilang mga aksyon, lalo na sa pagpapakita nila ng love and care sa isa’t isa. Nag-group hug din sila matapos ang diskusyon.


Sa huling bahagi ng nasabing episode, binasa ng host ng show na si Toni Gonzaga ang official statement ng “PBB” tungkol sa nasabing issue.

“Ang harassment ay isang bagay na hindi palalagpasin ni Kuya kailanman lalo na’t kung ito ay may patunay. Ngunit mismong mga housemates na ang nagsabi na walang anumang nagaganap na ganito sa loob ng bahay.

“Nawa’y mas maging mapanuri at responsable ang lahat sa social media at huwag manghusga lalo na kung hindi sapat at tama ang konteksto at impormasyon.” 

Rico Blanco payag maging housemate sa PBB season 10, pero may nakakalokang hirit ang pamilya

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending