Toni Gonzaga nagpaka-‘fangirl’ kay Timothee Chalamet nang ma-meet sa LA

PHOTO: Instagram Story/@celestinegonzaga
KITANG-KITA sa mukha ni Toni Gonzaga na natutuwa at tila kinikilig siya nang ma-meet ang award-winning Hollywood actor na si Timothee Chalamet.
Nagkita sila sa isang basketball game na ang magkalaban ay ang New York Knicks at Los Angeles Lakers na ginanap sa Crypto.com Arena sa Los Angeles, California.
Proud itong ibinandera ni Toni sa Instagram Story at makikita ang picture nilang dalawa na magkatabi sa upuan.
Walang caption si Toni, pero tinag niya sa post ang sikat na aktor, kalakip ang isang smiling face with heart emoji.
Baka Bet Mo: Toni Gonzaga kinilig nang pansinin ni Sam Smith TikTok dance ng pamilya

PHOTO: Instagram Story/@celestinegonzaga
Fresh from Oscars 2025, si Timothee ay nominado bilang “Best Actor” para sa pagganap niya bilang Bob Dylan sa pelikulang “A Complete Unknown, ngunit natalo siya riyan ni Adrien Brody ng “The Brutalist.”
Gayunpaman, siya naman ang itinanghal na big winner sa 2025 SAG Awards kung saan naungusan naman niya si Adrien.
Sa acceptance speech, tumatak sa marami ang pag-amin niya na gusto niyang maging isa sa pinakamagagaling na Hollywood actor.
“I’m really in pursuit of greatness. I know people don’t usually talk like that, but I want to be one of the greats. I’m inspired by the greats. I’m inspired by the greats here tonight,” sey niya sa bahagi ng talumpati.
Ang binatang aktor ay may upcoming sports comedy film na pinamagatang “Marty Supreme.”
Ang mga makakasama niya riyan ay sina Gwyneth Paltrow, Tyler The Creator, Sandra Bernhard, Fran Drescher, Penn Jillette, Odessa A’zion, Kevin O’Leary at Abel Ferrara.
Ang latest project ay nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa darating na Pasko.
Samantala, maliban sa aktor ay nagpa-picture din si Toni kasama ang kanyang mister na si Direk Paul Soriano sa award-winning Hollywood filmmaker na si Spike Lee.
Present din kasi ang Hollywood director sa nasabing event game.

PHOTO: Instagram Story/@celestinegonzaga
Si Spike ay kilala sa kanyang mga pelikula kagaya ng “Do the Right Thing,” “Bamboozled,” “Malcolm X,” “4 Little Girls,” “She’s Gotta Have It,” at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.