REVIEW: ‘A Minecraft Movie’ super funny; Jack Black, Jason Momoa solid ang chemistry

PHOTO: Courtesy screengrab from YouTube/Warner Bros. Philippines
THE wait is over para sa fans ng video game na Minecraft!
Showing na kasi sa mga lokal na sinehan ang live-adaptation nito na pinamagatang “A Minecraft Movie” na pinagbibidahan nina Jack Black, Jason Momoa, Sebastian Eugene Hansen, Emma Myers, at Danielle Brooks.
Grabe, tawang-tawa kami sa istorya ng bagong movie, lalo na’t maganda ang naging chemistry nina Jack at Jason pagdating sa comedy.
Ang kanilang karakter ang naging highlight ng pelikula at ang kanilang mga eksena ay puno ng nakakatawang banter na siguradong magpapakilig at magpapatawa sa mga manonood.
Baka Bet Mo: LIST: Mga bagong pelikula na magpapainit sa big screen sa Abril
Promise, sobrang funny nila! Sasakit ang tiyan mo kakatawa sa mga nakakatuwang moments nilang dalawa.
Sa kabuuan, ang “A Minecraft Movie” ay isang roller-coaster na puno ng laughter at adventure.
Ang kwento ay pinaghalong fantasy at creativity na tiyak na magugustuhan ng mga bata, pati na rin ng mga kids at heart.
Hindi lang basta entertainment, kundi isang paalala na sa harap ng mga pagsubok, mahalaga ang pagkakaroon ng malikhain at positibong pananaw.
Ang bagong pelikula ay umiikot sa kwento nina Garrett “The Garbage Man” Garrison, Henry, Natalie, at Dawn na biglaang nahulog sa isang kakaibang mundo ng Overworld, isang pixelated na paraiso kung saan ang creativity ang susi sa kaligtasan.
Pero may problema sila…may mga kalaban silang Piglins at Zombies na haharapin nila sa kanilang journey!
Buti nalang nandiyan si Steve, isang eksperto sa crafting, na tumulong sa kanilang misyon.
Ang pelikula ay dinirehe ng American filmmaker na si Jared Hess, ang director na kilala sa kanyang mga comedy films, kagaya ng “Nacho Libre,” “Masterminds,” “Napoleon Dynamite,” at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.