LIST: Mga bagong pelikula na magpapainit sa big screen sa Abril
SUMMER na, mga ka-movie buffs!
Oras na para magpalamig sa sinehan at mag-enjoy sa mga bagong pelikulang siguradong magpapakaba, magpapakilig, at magpapa-wow sa atin ngayong Abril!
A Minecraft Movie

PHOTO: Courtesy of Warner Bros. Pictures
Kung naadik ka sa larong Minecraft, aba’y humanda ka na dahil sa wakas, may pelikula na ito na mapapanood sa April 2!
Kilalanin sina Garrett “The Garbage Man” Garrison (Jason Momoa), Henry (Sebastian Eugene Hansen), Natalie (Emma Myers), at Dawn (Danielle Brooks) na biglang mahuhulog sa kakaibang mundo ng Overworld, isang pixelated na wonderland kung saan ang creativity ang susi sa kaligtasan.
Baka Bet Mo: Dakota Johnson, Chris Evans, Pedro Pascal love triangle sa ‘Materialists’
Pero teka, may kalaban silang Piglins at Zombies?! Buti na lang nandiyan si Jack Black bilang Steve na expert sa crafting!
Game na game na adventure ito na siguradong masaya panoorin kasama ang barkada!
Gulay Lang, Manong!

PHOTO: Courtesy of Ayala Malls Cinemas
Isang kwento ng sakripisyo, pamilya, at mga lihim ang bubulaga sa atin sa Gulay Lang, Manong na ipapalabas sa Ayala Malls Cinemas sa April 2.
Si Pilo Sabado (Cedrick Juan), isang magsasakang naghihirap, ay mapipilitan makipagkasundo sa isang pulis (Perry Dizon) para mailigtas ang kanyang apo mula sa kalakalan ng cannabis.
Pero teka, hindi lang basta droga ang pinag-uusapan dito—isang senador ang may kinalaman at may mas malalim pang dahilan sa likod ng lahat!
Isang pelikulang puno ng twists, betrayal, at moral dilemmas na siguradong kakapitan mo hanggang dulo.
Drop

PHOTO: Courtesy of Universal Pictures
Minsan, ang pinapangarap mong perfect date ay pwedeng maging worst nightmare!
Katulad na lang ng pelikulang “Drop” na ipapalabas sa April 9.
Iikot ang kwento kay Violet na may promising date kay Henry nang bigla siyang makatanggap ng misteryosong messages sa kanyang phone.
Sundin mo raw ang utos, ‘wag magsabi kahit kanino—o papatayin ang anak niya at kapatid!
Isang nerve-wracking thriller na tiyak na magpapaisip sa’yo kung kaya mo bang sundin ang utos ng isang hindi nakikitang killer.
Ang mga bibida riyan ay sina Meghann Fahy, Brandon Sklenar, Violett Beane, at Jacob Robinson.
The Demon Disorder

PHOTO: Courtesy of Ayala Malls Cinemas
Paano kung ang yumao mong tatay ang sumanib sa kapatid mo?!
Ganyan ang magiging kwento ng “The Demon Disorder” na showing na rin sa April 9.
Ang Australian horror flick na ito ay magpapakilala sa atin ng tatlong magkakapatid na haharapin ang kanilang pinakakinatatakutang multo— ang kanilang sariling ama!
Sobrang intense nito dahil ang nasa likod ng bumuo ng pelikula ay galing mismo sa special effects master ng “The Matrix” at “The Hobbit.”
Sinners

PHOTO: Courtesy of Warner Bros. Pictures
Bibida sa “Sinners” si Michael B. Jordan kung saan magkakaroon siya ng kakambal sa pelikula at susubukan nilang magsimula muli sa kanilang bayan.
Pero siyempre, hindi mawawala ang ilang pagsubok dahil may mas malaking kasamaan ang naghihintay sa kanila!
Directed by Ryan Coogler na nagdirek din ng blockbuster movies kabilang na ang “Black Panther,” at “Creed.”
Sa April 19 na mapapanood ang “Sinners.”
The Accountant 2

PHOTO: Courtesy of Warner Bros. Pictures
Matapos ang matinding sikreto sa unang pelikula, balik-aksyon na naman si Ben Affleck bilang si Christian Wolff sa pelikulang “The Accountant 2” na ilalabas sa April 25.
Ngayong patay na ang isang kakilala niya at may cryptic message na iniwan, muling magbabalik si The Accountant sa kanyang deadly equations—pero this time, may kasama siyang mas lethal pa: ang kanyang kapatid na si Jon Bernthal!
Until Dawn

PHOTO: Courtesy of Columbia Pictures
Kung gamer ka, malamang kilala mo ang PlayStation game na ito!
Isang grupo ng magkakaibigan ang makukulong sa isang lugar kung saan paulit-ulit silang pinapatay ng isang killer—at bawat beses, iba-iba ang paraan ng pagpatay!
Mula kay David F. Sandberg (Lights Out, Annabelle: Creation), asahan mong madilim, nakakatakot, at walang patawad ang horror flick na ito na ipapalabas ngayong buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.