‘Snow White’ live-action kabog ang bagong magic, malakas maka-throwback

PHOTO: Courtesy of Ayala Malls Cinemas
NOSTALGIA at bagong saya ang dala ng bagong live-action adaptation ng Disney classic na “Snow White.”
Naimbitahan ang BANDERA sa advance screening nito na ginanap sa A-Giant Cinema sa Ayala Malls Manila Bay noong March 16 at talagang tila bumalik kami sa kabataan, ngunit may added na modern twist.
Siyempre, hindi mawawala ang classic storyline –ang magandang prinsesa na si Snow White (Rachel Zegler) na gustong patayin ng Evil Queen (Gal Gadot) dahil sa kanyang inggit at kasamaan.
Pero this time, may dagdag na story arc na mas nagbigay-lalim sa kwento, kaya hindi lang basta remake kundi isang mas pina-enhance na bersyon ng paboritong fairytale.
Baka Bet Mo: Brad Pitt sasabak sa matinding karera sa ‘F1,’ ibinandera ang pasilip
Ang isa sa pinakanagustuhan namin sa bagong movie?
Nananatili ang ilang classic songs tulad ng “Whistle While You Work,” pero may dagdag na bagong awitin mula kina Benj Pasek at Justin Paul na mga kilala sa likod ng “Aladdin” songs noong 2019.
Super galing din ng mga artista na lang nagpakitang-gilas sa akting kundi pati sa pagkanta!
At kung akala mo’y forever bida lang si Gal Gadot, aba’y nagulat kami dahil kayang-kaya pala niyang magpakakontrabida bilang Evil Queen!
Para sa tunay na enchanted experience, best panoorin ito sa Ayala Malls Cinemas!
Available ang pelikula sa 4DX, A-Giant, DOLBY ATMOS, at A-Luxe cinemas.
Ibang level ang viewing experience sa 4DX, parang nasa loob ka ng eksena dahil sa motion-seats, lights, at wind effects.
Sa A-Giant, mas ramdam mo ang magic dahil sa screen na apat na beses na mas malaki kaysa regular cinema.
Kung comfort naman ang hanap mo, perfect ang A-Luxe dahil sa premium seating.
Bukod sa pelikula, may special “Snow White” installations din sa ilang Ayala Malls para sa fans!
May arts and crafts section para sa kids, face painting, at photo souvenirs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.