LIST: 5 Hollywood films na pak na pak pang-movie marathon sa Marso

March 2025 movies
IHANDA na ulit ang inyong mga popcorn, mga ka-BANDERA!
Marami kasing aabangan sa mga lokal na sinehan ngayong buwan ng Marso na tiyak na magpapasaya, magpapakaba, at magpapatindig-balahibo sa inyo.
Narito ang limang Hollywood blockbusters na dapat mong i-bookmark para sa ultimate movie marathon.
Mickey 17

PHOTO: Courtesy of Warner Bros. Pictures
Mula sa Academy Award-winning writer at direktor ng “Parasite” na si Bong Joon Ho, isang kakaibang kwento tungkol kay Mickey Barnes na pinagbibidahan ni Robert Pattinson ang babandera sa pelikulang “Mickey 17.”
Baka Bet Mo: Rihanna ibabandera ang magandang boses sa bagong ‘Smurfs’ movie
Tunay na mind-bending ang konsepto ng pelikula dahil biruin mo, si Mickey ay paulit-ulit na namamatay, ngunit patuloy rin siyang bumabalik!
Bukod kay Robert, tampok din sa pelikula sina Naomi Ackie, Steven Yeun, Toni Collette, at Mark Ruffalo.
Ang “Mickey 17” ay mapapanood na sa darating na March 5.
The Brutalist

PHOTO: Courtesy of Universal Pictures
Napanood na namin ang pelikulang “The Brutalist” na eksklusibo ng Ayala Malls Cinemas at showing din simula March 5.
Bida riyan sina Adrien Brody, Felicity Jones, Guy Pearce, Joe Alwyn, at Raffey Cassidy.
Tatlong oras ang nasabing movie at ito ay isang madamdaming kwento ng pagbangon mula sa trahedya.
Sinusundan nito si László Toth (Adrien Brody), isang visionary architect na lumipat sa Amerika matapos ang digmaan upang muling buuin hindi lang ang kanyang karera, kundi pati na rin ang kanyang buhay may-asawa.
Ngunit, sa isang mundong puno ng ambisyon at kapangyarihan, tila nagkaroon ng kapalit ang kanyang pangarap.
Novocaine

PHOTO: Courtesy of Paramount Pictures
Ano kaya ang mangyayari kung hindi mo nararamdaman ang sakit?
Sa pelikulang “Novocaine,” si Nate (Jack Quaid) ay isang ordinaryong tao hanggang sa dukutin ang kanyang dream girl!
Ngunit may isang kakaibang kakayahan siya: Hindi siya nakakaramdam ng sakit.
Magagamit kaya niya ito upang mailigtas ang babaeng mahal niya o mas mapapahamak lang siya?
Ang “Novocaine” ay mapapanood na sa March 12 at ito ay mula sa direksyon nina Dan Berk & Robert Olsen.
Bonhoeffer: Pastor. Spy. Assassin.

PHOTO: Courtesy of Ayala Malls Cinemas
Ang “Bonhoeffer: Pastor. Spy. Assassin.” ay isang tunay na kuwento ng matinding moral dilemma na ipapalabas sa March 12 sa Ayala Malls Cinemas.
Sesentro ito kay Dietrich Bonhoeffer na pinagbibidahan ni Jonas Dassler, isang pastor na naharap sa isang nakamamatay na desisyon.
Isa itong pelikulang puno ng intriga at aksyon na tungkol sa pagtahak sa tamang landas sa gitna ng digmaan.
Susundin kaya ng bida ang kanyang pananampalatay, o isasakripisyo niya ang lahat upang subukang pabagsakin si Hitler?
The Unbreakable Boy

PHOTO: Courtesy of Ayala Malls Cinemas
Maghanda ng panyo dahil ang “The Unbreakable Boy” ang feel-good at heartwarming movie ng buwan!
Kuwento ito ng isang batang si Austin (Jacob Laval), na may autism at brittle bone disease, pero hindi sumusuko sa pananaw sa buhay.
Ang kanyang positivity ay hindi lang nagbago sa kanyang pamilya, kundi nagbigay rin ng inspirasyon sa lahat ng makakakilala sa kanya.
Minsan, ang pagiging “unbreakable” ay hindi lang tungkol sa lakas ng katawan, kundi sa tibay ng puso.
Ang pelikula ay mapapanood exclusively rin sa Ayala Malls Cinemas sa March 26.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.