‘Mickey 17’, ‘The Brutalist’ tiyak na kakaiba, pero madamdamin ang mga tagpo

PHOTO: Courtesy of Warner Bros. Pictures; Ayala Malls Cinemas
DALAWANG kakaibang cinematic experience ang mapapanood ngayon sa mga lokal na sinehan.
Ito ang sci-fi thriller na “Mickey 17” at ang emosyonal na drama na “The Brutalist.”
Pareho na itong napanood ng BANDERA at talagang nagandahan kami sa takbo ng mga istorya nito.
Unahin namin ang “Mickey 17” na mula sa Academy Award-winning director ng “Parasite” na si Bong Joon Ho.
Isa itong pambihirang pelikula na tiyak na magpapaisip at magpapahanga sa mga manonood.
Baka Bet Mo: LIST: 5 Hollywood films na pak na pak pang-movie marathon sa Marso
Pinagbibidahan ito ni Robert Pattinson bilang si Mickey Barnes, isang expendable clone na paulit-ulit na namamatay at muling nabubuhay upang magsilbi sa isang interstellar mission.
Tunay na out of this world ang kwento ng pelikula!
Napakaiba nito sa mga nakasanayang sci-fi films—mind-bending, matalino, at puno ng twists.
Muli na namang pinatunayan ni Joon Ho ang kanyang husay sa storytelling at walang duda na ito ay posibleng maging isa na namang award-winning masterpiece.
Hindi rin matatawaran ang pagganap ni Robert Pattinson mula sa pagiging heartthrob ng “Twilight” hanggang sa pagiging seryosong aktor sa “The Lighthouse” at “The Batman,” dahil pinatunayan niyang kaya niyang gampanan ang anumang papel.
Ang kanyang pagganap bilang Mickey ay swak na swak—may lalim, emosyon, at aksyon na siguradong tatatak sa mga manonood.
Kasama rin sa pelikula sina Naomi Ackie, Steven Yeun, Toni Collette, at Mark Ruffalo, na nagbigay ng dagdag na emosyon sa pelikula.
Samantala, eksklusibong tampok naman sa Ayala Malls Cinemas ang “The Brutalist,” ang tatlong oras na pelikula na punong-puno ng emosyon at may malalim na kahulugan.
Ito ay pinagbibidahan ni Adrien Brody bilang si László Toth, isang visionary architect na lumipat sa Amerika matapos ang digmaan upang muling buuin ang kanyang buhay at pangarap.
Hindi lang ito isang kwento ng muling pagbangon, kundi isang pagninilay rin sa ambisyon, sakripisyo, at ang mapait na kapalit ng tagumpay.
Bagamat mahaba ang pelikula, hindi ito ramdam dahil sa lalim ng storytelling.
Sa katunayan, parang bitin pa rin sa dulo!
Ang cinematography ay sobrang ganda, at ang bawat eksena ay parang isang work of art.
Maliban kay Adrien, tampok din sa pelikula sina Felicity Jones, Guy Pearce, Joe Alwyn, at Raffey Cassidy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.