Robert Pattinson bida sa ‘Mickey 17’, ipinasilip ang bagong ka-loveteam
ANO ang pakiramdam ng paulit-ulit na namamatay at muling nabubuhay?
Ito ang nakakaintrigang kwento sa bagong trailer ng “Mickey 17,” ang sci-fi thriller mula sa Oscar-winning director na si Bong Joon-ho.
Bida sa bagong pelikula si Robert Pattinson na makikitang lumalaban hindi lang sa mapanganib na mga misyon, kundi pati na rin sa sistemang tila walang pakialam sa buhay ng tao.
Ang pelikula ay iikot sa kwento ni Mickey Barnes, isang “expendable” worker na ipinadala sa isang malayong planeta para gampanan ang mga delikadong trabaho.
Baka Bet Mo: #SerbisyoBandera: 72-anyos ginawang ‘community library’ ang bahay sa Makati
Pero may twist: tuwing namamatay siya, ginagawan siya ng clone para ituloy ang trabaho.
Sa bagong pasilip, mapapanood ang English actor na nag-a-apply sa trabaho na tila hindi man lang binasa ang kontrata.
“They made me work my ass off. Gave me one shitty mission after another,” reklamo niya.
Kung inaakala mong ang kamatayan ay ang katapusan ng lahat, mali ka! Sa mundo ni Mickey, normal lang ito.
“Every time I died, they just printed me out again,” sey niya sa trailer.
Bukod sa makabagbag-damdaming kwento ng pagpapahirap, ipinakita rin sa trailer ang love story nina Pattinson at Naomi Ackie, na gumaganap bilang si Nasha.
“The ship was filled with mostly dumbheads. But Nasha, she’s always loved me,” wika pa ni Mickey.
Makakasama rin sa pelikula sina Steven Yeun at Toni Collette, kaya siguradong jam-packed ito ng star power!
Ang “Mickey 17” ay mapapanood sa mga lokal na sinehan sa March 5.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.