Scarlet Snow ‘feeling brave’ sa first song cover, gagamitin ang boses para tulungan ang mga ‘wawa’
KINARIR ni Scarlet Snow Belo, ang anak ng celebrity doctors na sina Vicki Belo at Hayden Kho, ang pagiging first time recording artist!
Sa Instagram, ibinandera ni Scarlet ang kanyang kauna-unahang song cover matapos ang kanyang voice lessons.
Ang ni-record niya ay ang motivational song ng American singer-songwriter na si Sara Bareilles na “Brave.”
Caption pa ni Scarlet sa IG post, “I’m feeling so brave after recording my very first song! [mic emoji].”
Ibinahagi rin ng social media young star ang parangal sa kanya ni Dra. Vicki na kahit daw siya ay nasa murang edad lamang ay kayang-kaya niyang ipagtanggol ang mga naaapi sa pamamagitan ng kanyang boses.
“Mommy says, I may be small, but my voice can be mighty IF I use it to represent peoples who are wawa,” sey niya.
Baka Bet Mo: Scarlet Snow gusto nang maging big sister, humirit ng bagong baby kina Vicki at Hayden
View this post on Instagram
Naging proud naman ang voice instructor ni Scarlet na si Jade Riccio.
Napa-comment pa ito sa nasabing post at ayon sa kanya ay passionate sa pagkanta ang tsikiting at hindi na raw siyang makapaghintay na maging singer ito paglaki.
“My darling Scarlet [red heart emojis] You’re such a pleasure to coach!!! Thank you for being such a passionate student! You’re so smart and I loooove teaching you,” sey ng voice instructor.
Dagdag pa niya, “I cannot wait to see you grow as a singer. Here beside you all the way. Loving you, our little superstar!”
Tinadtad din ng mga papuri ang Instagram post ni Scarlet mula sa netizens at tuwang-tuwa na pinakinggan ang song cover.
“Gandaaaah ng voice mo scarlet! You can be a great singer! Amazing!,” sey ng isang netizen.
“You’re a really talented baby girl, continue reaching all your dreams,” sabi naman ng nag-comment.
Related Chika:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.