Scarlet Snow gusto nang maging big sister, humirit ng bagong baby kina Vicki at Hayden | Bandera

Scarlet Snow gusto nang maging big sister, humirit ng bagong baby kina Vicki at Hayden

Therese Arceo |February 02,2022
facebook
share this

Scarlet Snow gusto nang maging big sister, humirit ng bagong baby kina Vicki at Hayden

Therese Arceo - February 02, 2022 - 05:04 PM

Scarlet Snow gusto nang maging big sister, humirit ng bagong baby kina Vicki at Hayden

MAGKAKAROON na nga ba ng nakababatang kapatid ang anak nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho na si Scarlet Snow?

Tila kasi inaawitan na ng bata ang kanyang magulang para magkaroon na siya ng baby sister or brother.

Marami ang naaliw sa Instagram post ng unica hija nina Dra. Vicki Belo kung saan kasama nito si ang cute na cute na baby boy nina Janella Salvador af Markus Paterson.

“Big sister for a day again! I’m getting thr hang of this. Mommy? Daddy? I’m still waiting for you know what!” caption ni Scarlet.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Scarlet Snow Belo (@scarletsnowbelo)

Maski ang mga netizens ay tila excited sa posibilidad na magkaroon siya nakababatang kapatid.

“Yes, yes. Go, go Dok Vicki and Dok Hayden! It will be another adorable and smart Belo-Kho baby for sure,” saad ng isang netizen.

Marami rin ang pumuri at nakapansin sa tila pagkakahawig nina Jude at Scarlet.

“Para silang magkapatid… Ganda at gwapo,” comment ng isang netizen.

“So cute nilang mag-ate bagay kay Scarlet maging big sister oh,” saad naman ng isa pa.

Mayroon ring post noon si Scarlet kasama naman ang baby boy nina Billy Crawford at Coleen Garcia na si baby Amari.

“Mommy, I’m practicing na how to take care if a baby boy. Can I have a little brother na?”

Matupad na kaya ang pangarap ni Scarlet ngayong taon?

Anyway, panigurado namang cute na cute ang magiging next baby nina Doc Vicki at Doc Hayden at paniguradong super smart rin ito just like her Scarlet.

Pero kung magkakaroon na siya ng kapatid, magiging Kho na nga ba ang surname nito?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang sa interview ni Ogie Diaz kay Vicki Belo ay inamin niyang hiniling niya sa asawa na maging Belo si Scarlet na siyang pinagbigyan naman ni Doc Hayden.

So kung ganoon, may chance na isunod na sa apelido ni Hayden ang future baby nila dahil for sure gusto na rin nito ng baby na magdadala ng kanyang surname. Abangan natin!

Related Chika:
Vicki Belo ‘hiningi’ si Scarlet kay Hayden: Can you give me a Belo baby?
Vicki Belo tumalon mula sa umaandar na kotse para takasan ang ka-date: Tumakbo talaga ako at nagtago!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending