Vicki Belo 'hiningi' si Scarlet kay Hayden: Can you give me a Belo baby? Bandera

Vicki Belo ‘hiningi’ si Scarlet kay Hayden: Can you give me a Belo baby?

Reggee Bonoan |December 03,2021
share this

Vicki Belo ‘hiningi’ si Scarlet kay Hayden: Can you give me a Belo baby?

Reggee Bonoan December 03, 2021 - 04:52 PM

Vicki Belo 'hiningi' si Scarlet kay Hayden: Can you give me a Belo baby?

“THE way to stay young is to stay passionate, you have fun as you were saying, happy life keeps you healthy,” ito ang sinabi ni Dra. Vicki Belo sa panayam ni Ogie Diaz para sa kanyang YouTube channel na in-upload nitong December 1.

Kaya ang pinaka-work out ng cosmetic doctor and beauty guru kapag free time niya ay ang pagsasayaw sa kanyang mini-gym sa bahay nila.

Ang tunay na dahilan kung bakit kailangang maging fit and healthy si Dra. Belo ay dahil sa bunsong anak na si Scarlet Snow, anim na taong gulang na ngayon dahil gusto niyang malagaan at masubaybayan ang formative years nito na hindi niya nagawa kina Direk Quark Henares at Cristalle Henares-Pitt na parehong may asawa na.

Aniya, “Ang reason ko talaga is dahil kay Scarlet kasi she’s only 6 years old. And when I wanted to have Scarlet, I was 57.

“And everybody was against me talagang everybody, may children (Quark and Cristalle), my ex-husband (Atom Henares), sabi nila “no! Are you crazy? Kawawa ‘yung baby.

“Of course I feel (bad). ‘Yun ang na-miss ko, ‘yung childhood ng mga anak ko si Quark at saka si Cristalle kasi I was in medical school, eh.

“So, I got married 2nd year proper, nag-anak ako kay Quark, 3rd proper, nanganak ako kay Cristalle internship, so, you’re always on duty, on hospital. Na=miss ko ‘yung age 0-6 katabi ko sila pero nag-aaral ako (at) hindi talaga ako nakatutok.

“So when Scarlet is here talagang ninanamnam ko ‘tong age niya kasi now she’s six na alam ko na from here on more or less what’s going to happen. Pero ‘yung 0 to 6 that’s really something na everyday iba-iba (activities) nakakaaliw ang cute pa naman niya.

“So, I’m so happy na I think I owe it to her na I want to be healthy and young para kasama ko naan siya of course for a longer time.”

Kahit na kayang ibigay ni Dra. Vicki ang lahat ng magustuhan ni Scarlet ay hindi niya ginagawa.

“Kayang-kaya ko naman, nahihirapan ako kasi I want Scarlet to love me na puwede ko namang ibigay lahat ng gusto niya gagawin ko pero ang problema alam ko, only child din ako, I was also adopted.

“So, my parents were so mabigay to me, generous and everything I wanted they would give nahirapan ako in life in the future kasi of course, I thought I was so lovable kasi my parents love me so much.

“When you meet the world and the world doesn’t love you really, I mean not like your parents of course and you have to work, I was marupok. I really had to cry so much to learn to be strong.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vicki Belo, M.D. (@victoria_belo)

“With Scarlet ayaw kong ibigay lahat kasi hindi nakakatulong talaga. Kung feeling ko lang makakatulong sa future niya na maging happier person siya, I would do it but I always stop myself because I know it’s good for her.

“And one thing about Scarlet is hindi siya talaga mahingi. Mas ano play hide and seek with me, patintero. Gusto niya time, quality time,” kuwento ng proud mom ni Scarlet.

Ipinagtapat na ‘hiningi’ ni Doc Vicki si Scarlet kay Doc Hayden Kho.

“Si Scarlet hiningi ko ‘yan kay Hayden, eh. ‘Yun ang hindi alam ng tao I told him na, ‘Can you give me a Belo baby?’

“Tawag ko sa lahat (endorsers) my Belo babies but I don’t have a real Belo baby because my Quark and Cristalle are Henares.

“And Hayden and I were not married anyway when we had Scarlet, kaya ‘Can I please have a Belo baby’ and he promised me.

“And when we got married sabi ni Hayden, ‘o ano puwede na bang Kho si Scarlet?’ Sabi ko, ‘hindi promise mo sa akin Belo baby, so, Belo baby forever.

“Si Scarlet na mismo naglalagay ng Belo-Kho pero of course in the birth certificate and everything (documents), it’s Belo.”

Inaming gustong ikalat ni Dra. Vicki ang pangalang Belo, ang apelyido ng magulang na nag-alaga at minahal siya bilang tunay na anak.

“Oo kasi after me (doctor) wala na, eh. I have cousins who are Belo, but they are all in arts, so, there’s no Dr Belo. Hoping Scarlet would be a doctor,” pag-amin ng beauty guru.

At higit sa lahat hiniling daw ito ng amang si Atty. Enrique Belo na dating congressman and 1971 Philippine Constitutional Convention delegate na ipinangako naman ito ni Dra. Vicki.

“When I was 12 years old, pumunta sa akin ‘yung father ko, sabi niya ‘iha can you do me a favor? And I say, ‘sure daddy what?’ and I was 12 years old lang ako ah, sabi niya, ‘can you make our name famous?’”

Ang rason kaya ito hiniling ng amang namayapa na ay dahil laging nami-spell ang pangalan nilang Belo na nagiging Bello hanggang ngayon.

Kaya lahat ng gamit niya noong bata ay nilalagyan niya ng stickers na Belo ang nakalagay maging ang shirts niya ay may nakalagay na Belo.

“Para lang maging famous (kaya lahat may tatak) and I’m so happy that before he passed away, my dad he saw that Belo was recognized name already, so, I was able to make his wish come true,” pagtatapat ni Dra. Vicki Belo.

Related Chika:
Hayden gustong magka-baby uli, Vicki may nakakalokang hirit: Hihintayin mong mamatay ako?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending