Hayden gustong magka-baby uli, Vicki may nakakalokang hirit: Hihintayin mong mamatay ako? Bandera

Hayden gustong magka-baby uli, Vicki may nakakalokang hirit: Hihintayin mong mamatay ako?

Ervin Santiago |April 04,2021
share this

Hayden gustong magka-baby uli, Vicki may nakakalokang hirit: Hihintayin mong mamatay ako?

Ervin Santiago April 04, 2021 - 09:38 AM

SUMABAK na rin sa “Lie Detector Challenge” ang mag-asawang celebrity na sina Vicki Belo at Hayden Kho.

Mapapanood ang kulitan, laglagan at uber sa kaswitan ng dalawa sa bagong vlog ni Vicki sa kanyang YouTube channel.

Sa unang bahagi ng video, ipaliwanag muna ng celebrity surgeon na sa totoong lie detector machine sinusuri ang “blood pressure, heart rate, at perspiration” ng isang taong para malaman kung totoo ang sagot nito sa mga tanong o nagsisinungaling lang.

Pero sa challenge ng mag-asawa ang gagamitin daw nila ay ang laruan ng kanilang nag-iisang anak na si Scarlet Snow at hindi ito masasabing reliable kaya sana raw ay hindi sila magkapikunan at mag-away sa ending.

“If your partner is telling a lie, makukuryente siya,” sey ni Vicki. Na sinagot naman ni Hayden ng, “Bakit sa akin ka nakatingin?”

Hirit pa ng misis ni Hayden, “Matagal ko nang gustong i-test ‘tong Hayden na ‘to kasi napakagaling talaga, napaka inosente ng mukha ‘di ba? This is my chance. Kaya lang sana walang pikunan, kasi matagal na kaming hindi nag-away.”

“Pumirma muna tayo ng kontrata na walang away, after,” ang natatawa namang suggestion ng dating aktor.

Nang sisimulan na nila ang challenge, parang gusto pang umatras ni Vicki dahil natatakot daw siyang makuryente, baka raw kasi masakit sa kamay pero itinuloy pa rin niya.

Isa sa mga question ay kung gusto pa ba nilang magkaanak uli at bigyan ng kapatid si Scarlet. Unang sumagot si Hayden at nagsabing gusto pa niya.
Nasa lie detector machine na ang kamay ni Hayden nang dagdagan ni  Vicki ang tanong — kanino mo gustong magkaanak uli?

Ang resulta — nakuryente si Hayden  na ang ibig sabihin ay nagsinungaling ito. Pero depensa niya, gusto niyang magkaanak uli pero natakot siya sa sumunod na tanong ni Vicki, “Nakakatakot kaya, ‘With whom?’”

Hirit namang sabi ni Vicki, “Kaya nga ‘yun ang tanong ko. If you want more children hindi na pwede sa akin. So hindi ko alam kung kanino. Mag-aano ka ba diyan sa labas, ganu’n, or what? Hihintayin mong mamatay ako?”

Nang si Vicki naman ang tinest, “yes” din ang sagot niya pero nakuryente rin siya. Tawa naman nang tawa ang doktora.

Paliwanag naman ni Hayden, okay daw kay Scarlet na magkaroon ng kapatid basta baby brother ito, “Kapag tinanong kasi namin si Scarlet kung gusto pa niya ng kapatid sasabihin niya, ‘As long as he’s a brother. ‘Wag lang daw sister, brother.

“Kaya ‘yung house na itinayo namin, kulay blue ‘yung extra room para just in case,” sabi ni Hayden.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending