Vicki Belo ‘nasasaktan’ kapag binabati tuwing birthday, bakit kaya?
AGAW-PANSIN ngayon ang lumang interview ng celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo na nag-open up patungkol sa kanyang pagiging adopted child.
Two years ago na ang panayam na ito with Ogie Diaz, pero bigla kasi itong lumitaw sa social media kaya kahit kami ay biglang naintriga.
Pumukaw ‘yung sinabi ni Dra. Vicki na ang pagiging ampon niya ang dahilan kung bakit siya naging doktor at nabuo ang Belo Medical Group.
Kwento niya, madalas siyang ma-bully noong bata pa siya kung saan marami ang nagsasabi na siya ay pangit at mataba kaya siya ipinamigay ng kanyang mga tunay na magulang.
“In my brain, pag mataba ka or pangit ka, pinamimigay ka lang. Five years old ako ‘nung nangyari ‘yun eh,” sey ng celebrity doctor.
Baka Bet Mo: Melai takot magparetoke, umayaw sa ‘offer’ ni Vicki Belo: ‘Okay na ako’
Patuloy niya, “In my five-year-old brain, [naiisip ko na] papagandahin ko lahat ng tao para hindi sila ipapamigay, at mamahalin sila…I didn’t know how, hindi ko alam kung paano gagawin, pero alam ko ‘yun ang ambisyon ko.”
Dagdag pa niya, “Buti nalang I became a doctor. But [before,] I was teaching aerobics, I was trying to help people get healthy and sexy then I got into medicine. So I finally found this profession where you can get lasers and cosmetic surgery and dermatology –you can make people feel so perfect.”
Na-bring up din ni Ogie sa interview na bukod sa parang lumalayo si Dra. Vicki sa bansa ay ayaw rin pala niyang mabati tuwing birthday niya.
Kinumpirma naman ito ng doktora at inamin na nagiging very sensitive siya sa araw na ‘yan dahil naaalala niya ang sakit ng pagiging ampon.
“‘Nung pinanganak ako, never akong hinawakan ng nanay ko. So right away, dinala na nila ako sa incubator tapos inaantay ko nalang ‘yung Belo mom, ‘cause I was born in Cebu. So my Belo mom was from Manila, she had to fly. So in my head, it was not a happy [memory],” kwento niya na naiiyak.
Sambit pa niya, “Parang ‘nung pinanganak ka pa lang, parang pinamagay ka na.”
“So when I think of that –since I have so many issues about adoption, about not being good enough, about not being loveable, I thought I don’t like to be greeted. Kasi pag narinig ko ‘yung birthday, ‘diba ‘happy’ birthday. So in my head, ‘Sino naman ang happy sa birthday ko?’ Wala naman, kasi my mom and dad gave me on my birthday,” paliwanag niya.
“So wala, parang bumabalik lang talaga ang pain,” giit pa ni Dra. Vicki.
Mensahe pa niya, “So the best gift you can give me is not to greet me. Kasi when people say, happy birthday, I can only be plastic for just a short time then afterwards umiiyak na ako, tama na wag niyo na ako i-greet.”
Nabanggit din ng sikat na doktor na nagkaroon naman na ng “closure” sa pagitan niya at ng kanyang biological parents, pero hindi pa rin daw kasi mawala sa isip at pakiramdam niya yung sakit.
“Pinatawad ko na ‘yung biological mom and dad [ko], but I was never to tell [them] na it’s okay, masakit nga pero sobrang grateful ako kasi you made sure you gave me to the right people, my most wonderful parents,” aniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.