Melai takot magparetoke, umayaw sa ‘offer’ ni Vicki Belo

Melai takot magparetoke, umayaw sa ‘offer’ ni Vicki Belo: ‘Okay na ako’

Pauline del Rosario - June 29, 2024 - 10:05 AM

Melai takot magparetoke, umayaw sa ‘offer’ ni Vicki Belo: ‘Okay na ako’

PHOTO: Instagram/@mrandmrsfrancisco

KAHIT si Dra. Vicki Belo na ang nag-offer, tinanggihan pa rin ng TV host-comedienne na si Melai Cantiveros ang pagpaparetoke ng ilong.

Ito ang ibinunyag mismo ng komedyana sa isang media event para sa upcoming talk show niya na “Kuan-on-One.”

Tinanong siya ng ilang entertainment press kung naisipan ba niyang mag-undergo sa cosmetic surgeries.

“Ako talaga, inofferan na ako ni Dra. Vicki Belo na ‘yung mukha ko raw maging Kristine Hermosa,” sey ni Melai.

Patuloy niya, “Ilong daw—magkwan daw ako ng ilong, [kaso] sobrang takot ako sa injection.”

Baka Bet Mo: Melai payag bumida sa remake ng ‘Tanging Ina’ pero nahihiya kay Ai Ai

“Sobrang takot ako sa mga ganyan, na baka kung anong ilagay sa ilong ko. Ang pinakakinatatakot ko [ay] baka hindi ako makahinga,” paliwanag pa ng aktres.

Bukod diyan, sinabi niya rin na kuntento na siya sa kanyang itsura at sapat na sa kanya ang skin-care treatments na kanyang ginagawa.

“Syempre, ako sa sarili ko, nagagandahan ako pero baka naman kayo hindi. So ayoko naman pangunahan ‘yung mga utak ninyo,” biro ni Melai.

Dagdag niya, “Okay na ako sa mukha ko e. Nung nakita ko pa lang ‘yung sarili ko sa salamin nung bata pa ako, okay na ako.”

Inalala rin ng celebrity mom ang tungkol sa kanyang dental makeover na hindi pa natutuloy.

Ang sabi raw kasi sa kanya ng dentista, kailangan pa nilang pag-aralan kung ano ang gagawin sa kanya.

Kung matatandaan, taong 2009 nang mag-umpisang sumikat si Melai matapos siyang maging big winner sa reality TV show na “Pinoy Big Brother.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Diyan niya rin nakilala ang kanyang asawa na aktor na si Jason Francisco at ngayon ay mayroon na silang dalawang anak na sina Mela at Stela.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending