Melai payag sa remake ng 'Tanging Ina' pero nahihiya kay Ai Ai

Melai payag bumida sa remake ng ‘Tanging Ina’ pero nahihiya kay Ai Ai

Ervin Santiago - June 25, 2024 - 05:22 PM

Melai payag bumida sa remake ng 'Tanging Ina' pero nahihiya kay Ai Ai

Ai Ai delas Alas, Lauren Dyogi at Melai Cantiveros

PAYAG ang Kapamilya TV host-comedienne na si Melai Cantiveros sakaling mapili siyang magbida sa remake ng blockbuster movie na “Ang Tanging Ina“.

Ang naturang pelikula ay pinagbidahan noon ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas na ipinalabas sa mga sinehan noong 2003, at idinirek ng yumaong filmmaker na si Wenn Deramas.

Dahil sa tagumpay ng movie, nagkaroon pa ito ng part 2 (Ang Tanging Ina N’yong Lahat, 2008) at part 3, “Ang Tanging Ina Mo Last na ‘To!” (2010), na mula pa rin sa direksyon ni Direk Wenn.

Baka Bet Mo: Anak nina Ellen at John Lloyd future vlogger, netizens shookt: ‘Wow! Nakakaintindi pala ng Tagalog, English at Bisaya’

Napag-usapan ang tungkol dito sa naganap na presscon ng bagong project ni Melai sa Star Magic at ABS-CBN Studios, ang talk show na “Kuan-On-One” na binuo para talaga sa mga kababayan nating Visaya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Tanong kay Melai, “Ang daming nagpu-push na ikaw daw ang mag-remake ng ‘Tanging Ina’, anong masasabi mo du’n?”

“Uhmm, siyempre, tanging Ina n’yo rin!” birong sagot ng TV host na ikinahagalpak ng mga nasa mediacon. Kaya sey ni Melai, “Sorry, sorry, sorry!”

Ayon sa komedyana, kung aalukin siya ng Star Cinema na gawin ang bagong version ng “Tanging Ina” ay open naman daw siya pero ayaw niyang merong ma-“bypass” na mga senior stars na mas deserving kesa sa kanya.

“Kung i-offer sa ‘kin, why not? Sobrang happy pero hindi natin para i-bypass si Ms. Ai Ai delas Alas kasi siya talaga ang ating Queen of Comedy.

Baka Bet Mo: Ai Ai sa isyu ng Star Cinema at ‘Tanging Ina Mo’: Minamaliit n’yo ‘ko?

“Ang dami na niyang napatunayan. Nandiyan pa sina Ate Pokey (Pokwang), sina Miss Eugene Domingo,” ang paliwanag ni Melai.

“Kaya kung i-kuan why not pero wala tayong mga hurt na mga tao,” sey pa ni Melai.

Ang suggestion naman ni Melai para iwas-intriga at tsismis, “Gawa na lang tayo ng sarili natin…’Kuan Ng Ina,’ char! Char lang!”

Samantala, excited na si Melai sa pagbabahagi ng iba’t ibang kuwento tungkol sa Visayan culture sa bago niyang talk show na “Kuan-On-One” na magsisimula na sa July 2.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Magiging special guest ng komedyana sa first season ng programa ang mga kapwa niya Bisaya na sina Kim Chiu, Christian Bables, Maymay Entrata, Sheryn Regis, Jason Dy, at ang dalawang members ng BINI na sina Aiah at Colet.

“Maraming mga Bisaya na grateful kasi kaming mga Bisaya, hindi maiwasan na mag-self pity kasi malayo kami sa central. Pero ngayon nu’ng may ganito na show parang ‘let our voice be heard’ ganoon ang mga Bisaya, uy,” chika ni Melai.

Ayon pa sa TV host, isa pa sa layunin ng kanilang talk show ay ang maging tulay para sa pagkakaisa at pagkakaunawaan ng bawat rehiyon sa Pilipinas.

“Sobrang importante lalo na sa amin para mawala na ‘yung mga separation ng mga Bisaya, mga Tagalog, para in one na tayo.

“Kasi marami na ring mga Bisaya, may mga radio station na nga rito na Bisaya dito sa Manila eh. Very important na maging isa tao at talagang nagmamahalan tayo,” dagdag ng komedyana.

“Tapos na-appreciate nila ang ‘Kuan-On-One’ show at si Direk Lauren (Dyogi), sobrang na-appreciate nila ang ABS-CBN dahil nag-effort talaga gumawa ng show para sa mga taga-Visayas at Mindanao para mas lalo sila ma-inspire.

“Lalo na ‘yung mga OFW, sila talaga ang pinaka-happy talaga, para silang nakauwi sa Pilipinas para hindi na sila ma-sepanx sa kanilang family,” pahayag pa ni Melai.

Ang ilan pang celebrities na Bisaya na gustong makasama ni Melai sa bago niyang talkshow ay sina KZ Tandingan, Ellen Adarna, Beauty Gonzalez, Maris Racal at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “Kuan-On-One” simula sa July 2 sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel at iWantTFC.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending