Ai Ai sa isyu ng Star Cinema, Tanging Ina: Minamaliit n'yo 'ko?

Ai Ai sa isyu ng Star Cinema at ‘Tanging Ina Mo’: Minamaliit n’yo ‘ko?

Ervin Santiago - June 10, 2024 - 05:28 PM

Ai Ai sa isyu ng Star Cinema at ng 'Tanging Ina': Minamaliit n'yo 'ko?

Ai Ai delas Alas

TAKANG-TAKA ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa balitang pina-take down umano ang balita tungkol sa posibleng sequel ng pelikula niyang “Tanging Ina Mo“.

Pagkumpirma ni Ai Ai, may nagsabi raw sa kanya na may isang taga-Star Cinema ang gustong ipatanggal ang istorya kung saan nagsalita nga siya na nais niyang gawin ang pelikulang “Ang Tanging Ina, The Reunion movie.”

Sa isang zoom mediacon kasi ni Ai Ai noong May 26, natanong daw siya kung gusto niyang magkaroon ng sequel ang “Ang Tanging Ina” na talaga namang naging blockbuster noon.

Baka Bet Mo: Ai Ai: Salamat Lord! Mababait ang mga anak ko, asawa ko mabait din, nanay ko 93 na pero walang sakit

Nagkaroon ito ng dalawang sequel – “Ang Tanging Ina N’yong Lahat” (2008) at “Ang Tanging Ina Mo: Last Na ‘To” (2010), mula sa yumaong direktor na si Wenn Deramas.

Sagot ni Ai Ai, “Yes, ako ‘yung magpo-produce. Kumbaga, partnership with Star Cinema. Nagtanong din ako sa Star Cinema kung magkano magagastos sa ganito, sa ganyan.


“Actually, kinakausap ko na ang ‘yung mga anak ko, go naman sila. ‘Yung mga ‘Tanging Ina’ na anak ko kasi may chat group kami.

“Sinabi ko sa kanila, ‘kapag ba ginawa natin ito, go kayo?’ Sabi nila, ‘Oo Mama, go kami diyan.’ Sabi ko, ‘O, sige, try natin hahanap ako ng producer tapos gawin natin,’” sabi pa ni Ai Ai na ang tinutukoy na mga “anak” ay sina Marvin Agustin, Nikki Valdez, Carlo Aquino, Heart Evangelista, Alwyn Uytingco, Marc Acueza, Shaina Magdayao, Serena Dalrymple, Jiro Manio at Yuuki Kadooka.

Kasunod nito, nag-post nga si Ai Ai sa kanyang Facebook account at naglitanya tungkol sa isyu ng pagpapa-take down  umano sa naturang artikulo.

Simulang sabi ni Ai Ai, “Isa daw sa Star Cinema gustong ipa-down yung news regarding sa Tanging Ina na nainterbyu ako kasi nga nagka-presscon kami.

“Ang dating sa akin, parang na-off ako saka parang nagtataka ako. Parang naloloka ako. Bakit parang may pa-take down na datingan na ganoon?

“Parang ang dating sa akin, ‘Bakit, hindi ba totoo yon? Totoo yon, nakausap ko si Roxy Liquigan (dating advertising and promotions manager ng Star Cinema). Siguro ang mali ko, hindi ko alam kung si Roxy ay taga-Star Cinema pa rin.

“Pero si Roxy ay dating taga-Star Cinema at siya yung medyo ka-close ko. So, du’n talaga ako nagtanong sa kanya,” ang pahayag ng komedyana.

Baka Bet Mo: Ai Ai bugbog-sarado sa netizens dahil sa pang-asar na TikTok video: Sayang ka, nakakahiya ka!

Pagpapatuloy ni Ai Ai, “Kasi yung producer namin sa Ohio, si Cindy, producer namin siya sa mga concert-concert ko. Gusto niya na mag-produce ng pelikula.

“So, sabi ko naman sa kanya, dream kong gawin yung Tanging Ina, The Reunion. So, ang dating sa akin, bakit kailangan na i-take down ninyo yung news?

“Una, masama bang magtanong kay Roxy? E, totoo naman nagtanong ako. Ang tanong ko, ‘Magkano ba yung ganoon para in case? Tapos, sino ang puwedeng maging direktor in case?’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)


“Anong masama dun? Alangan naman magtanong ako sa Regal, sa Viva o kaya sa Seiko Films? E, ang Star Cinema naman ang gumawa ng Tanging Ina.

“At saka, ako naman yung Tanging Ina du’n, di ba? So, anong masama kung magtanong ako? At saka ano naman ang masama kung mabalita yon? Masama ba yon, di ba, nagtatanong lang naman ako?” tuloy-tuloy na paglalabas ng saloobin ng komedyana.

Dugtong pa niya, “O, baka naman, in-assume ko lang naman ito, baka ayaw ninyong ma-associate sa akin? Bakit, pinagkakitaan ninyo naman ako dati sa Star Cinema, di ba?

“Masama ba yon at saka sobrang nakapagtataka. Minamaliit ninyo ako, ganoon? Bakit, e, talagang wala tayong magagawa, ako naman yung naging Tanging Ina, di ba? Ano bang dahilan ninyo?” sey pa ni Ai Ai.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa panig ng Star Cinema hinggil sa isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending