RR boto kina Alden at Kathryn; Atom magpapalipad ng eroplano

RR boto kina Alden at Kathryn; Atom Araullo magpapalipad ng eroplano

Ervin Santiago - June 08, 2024 - 11:05 AM

RR boto kina Alden at Kathryn; Atom Araullo magpapalipad ng eroplano

PAREHONG kinikilig sina RR Enriquez at LJ Moreno sa tambalang Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Sa nakaraang episode ng “Fast Talk With Boy Abunda,” natanong ang dalawang aktres tungkol sa ilang hot issues sa showbiz, at isa na riyan ang chikang nanliligaw na si Alden kay Kath.

“Nakakakalig! Gusto ko ‘yun. Parang bagay sila. Pareho silang mabait,” ang chika ni RR.

Sumang-ayon naman si LJ sa mga sinabi ni RR.

Wala pang diretsahang pag-amin sina Kath at Alden tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon pero ang pakiusap ng Asia’s Multimedia Star, mas gusto niyang gawing private muna kung ano talaga ang relasyon nila ng aktres.

Baka Bet Mo: RR inagaw si Jayjay Helterbrand, nag-sorry sa ex-GF: Nakarma ‘ko!

Pagtatapat ng aktor pagkatapos nilang gawin ang kanilang box-office hit movie na “Hello, Love, Goodbye” noong 2019 ay hindi naputol ang kanilang komunikasyon hanggang sa maging solid ang kanilang pagkakaibigan.

“The friendship never ended. Naging solid din talaga yung samahan naming lahat (sa HLG). And right now, I’m just quite overwhelmed.

“Whatever is happening between Kath and I, I really want it to be personal,” sabi pa ni Alden.

* * *
Kumasa sa isang pambihirang hamon na maging isang student pilot ang news anchor at broadcast journalist na si Atom Araullo sa episode ng “I-Witness” na may titulong “Pangarap na Paglipad.”

Sa loob ng tatlong araw, sasailalim si Atom sa ground classes at masinsinang training sa Dumaguete para makapagpalipad ng eroplano.

Sa flying school, makikilala niya ang ilang natatanging indibidwal na umaapaw ang dedikasyon sa larangang kanilang tinatahak.
Isa si Emie Timawain sa mga nakasalamuha ni Atom sa klase.

Sampung taon siyang namasukan sa paaralan bilang janitress at runner.

Noong nakaraang taon, ginawa siyang scholar kaya naman isa na siyang student pilot ngayon.

Nakilala rin ng host si Captain JT Cordova, isa sa pinakabihasang instructors sa eskwelahan.

Naging piloto siya sa edad na 17, at sa loob ng mahigit isang dekada, nasa 30 estudyante na ang kanyang naturuan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa huling araw ng training ni Atom, matagumpay kaya siyang makapagpalipad ng eroplano?

Saksikahan ang pilot era ni Atom sa “Pangarap na Paglipad” ngayong June 8, 10:15 p.m. sa GMA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending