Atom Araullo sa mga nambabatikos sa kanyang pagpuna sa transportation system ng bansa: Bakit defensive? | Bandera

Atom Araullo sa mga nambabatikos sa kanyang pagpuna sa transportation system ng bansa: Bakit defensive?

Therese Arceo - December 16, 2022 - 01:52 PM

Atom Araullo sa mga nambabatikos sa kanyang pagpuna sa transportation system ng Pilipinas: Bakit defensive?
NAGSALITA na ang award-winning news anchor at journalist na si Atom Araullo matapos siyang ulanin ng pambabatikos nang punahin niya ang hindi maayos na transportation system sa Pilipinas.

Aniya, hindi naman na raw kataka-taka na marami ang nag-react nang maglabas siya ng kanyang obserbasyon patungkol rito noong Biyernes, December 9, dahil na rin sa kanyang personal na karanasan.

“Just arrived at the airport from an overseas trip. No coupon taxis, no metered taxis, no Grab. Wala rin tayong mga bus at tren dito. Basically kung wala kang sundo, you’re dead. It’s been an hour and counting. This is what a broken transpo system looks like,” saad ni Atom.

Makalipas pa ng halos dalawang oras nang makapag-book ng masasakyan ang Kapuso anchor matapos itong magpalit ng kanyang pick-up location.

Chika ni Atom, “Update: was able to book Grab after a little less than 2 hrs. Setting the pick up location to the departures area (T2) worked. Traffic na lang problema, hehe. Wawa yung mga nakapila pa sa taxi though, madalang talaga dating ng mga sasakyan. Salamat sa thoughts and prayers!”

Agad nga itong nag-viral at umani rin ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizens.

Marami ang mga sumang-ayon kay Atom samantalang mayroon rin namang mga bumatikos sa binata at sinabing kulang lang ito sa “diskarte”.

Kaya naman makalipas ang ilang araw ay muli siyang naglabas ng kanyang mga obserbasyon at saloobin hinggil sa isyu.

Pinamagatan pa nga ni Atom na “makatarungan ang panghangad ng maayos na public transportation” ang kanyang ginawang Twitter thread.

“Una, maraming nakarelate. Matagal nang pasakit ang pag-commute sa Metro Manila. Our public transportation system is… bad. Alam ito ng sinumang sumasakay ng tren, bus, jeep, atbp. The problem is so self-evident it doesn’t require further elaboration. Marami na ring pag-aaral dito,” pagbabahagi ng mamamahayag.

Bagamat hindi na nagulat si Atom sa naging reaksyon ng madlang pipol ay nilinaw naman niya na hindi lang ang kasalukuyang administrasyon ang kanyang pinasasaringan dahil ang hindi magandang sistema ng transportasyon ay dahil sa naging “kapabayaan” ng mga nagdaang administrasyin na kung tutuusin ay dekada na.

“Pero di na rin nakagugulat ang maanghang na reaksyon ng iba sa ibinahagi kong karanasan. May mga allergic ata sa anumang puna sa lagay ng bansa natin. Kakatawa nga, malinaw naman na bunga ng ilang dekada ng kapabayaan ang problemang ito. Bakit defensive? Bato-bato sa langit?” pagpapatuloy niya.

Inisa-isa na rin ni Atom na sagutin ang mga punto ng ilang netizens sa kanyang naging tweet.

Aniya, hindi naman daw “elitista” o “entitlement” ang paghahangas nang mas maayos na public transportation.

“Many people have no choice but to commute on a daily basis. A safe, reliable, affordable, and efficient mass transpo system is good for everyone!” sey ni Atom.

Pagpapatuloy pa niya, “Hindi lahat, may kakayahan magpasundo. And even then, it’s ultimately a waste of resources: fuel, time, energy, manpower, money. ‘Diskarte’ is not a feature of good public transportation. Ang totoo, patunay nga yan na may problema, ginagawan lang natin ng paraan. Resilient eh.”

Inihalimbawa rin ni Atom ang mga banyagang bisita na nakasabay niyang hirap rin sa pagsakay pauwi mula sa airport.

“Paano kung wala silang kakilala sa Maynila? O wala silang internet para magbook ng sasakyan? We need to provide sensible options for everyone, especially if we want to promote tourism.”

Lahad pa niya, “True, a spike in demand can overwhelm the best mass transportation systems. But certain surges are predictable, which means solutions are within reach. Christmas comes along every year, and Friday congestion happens, well, every Friday. Kasama sa pinagpa-planuhan yun.”

Aware rin naman si Atom na hindi palaging ganoon ang sitwasyon sa airport at masuwerte ang mga taong hindi pa ito nararanasan.

Dagdag pa niya, excited na rin daw siya sa mga plano at pangakong tren na may istasyon sa mismong paliparan at hangad niya na sana’y matuloy ito.

Pero giit ni Atom, “Still, this is a now problem, requiring immediate attention. And yes, it’s a challenge not just for the airport, but the entire country too. A good public transportation system is pro-people, and essential for development. Pointing that out does not make you unpatriotic.”

Biro pa nga niya,”Thanks for coming to my TED talk!”

Nito ngang Huwebes ay naibalita ang pagkakasundo ng Manila International Airport Authority (MIAA) at Grab Philippines na mag-launch ng “Airport to Anywhere (ATA)” program na naglalayong mag-deploy ng mga Grab-accredited vehicles upang makatulong sa tumataas na transport demand sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Related Chika:
Atom Araullo umalma sa fake news: Utang na loob, itigil n’yo na ang teoryang ipinangalan ako sa August Twenty One Movement o ATOM

Atom Araullo, Zen Hernandez inulan ng tukso sa socmed, magdyowa nga ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Atom Araullo kinondena ang fake news laban sa ina: Kailan pa naging katanggap-tanggap yung ganito?

Kuya Kim, Atom Araullo, Julius Babao inokray ng basher: May nanonood ba sa palabas nila?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending