Atom Araullo umalma sa fake news: Utang na loob, itigil n'yo na ang teoryang ipinangalan ako sa August Twenty One Movement o ATOM | Bandera

Atom Araullo umalma sa fake news: Utang na loob, itigil n’yo na ang teoryang ipinangalan ako sa August Twenty One Movement o ATOM

Ervin Santiago |October 26,2022
facebook
share this

Atom Araullo umalma sa fake news: Utang na loob, itigil n’yo na ang teoryang ipinangalan ako sa August Twenty One Movement o ATOM

Ervin Santiago - October 26, 2022 - 10:15 AM

Atom Araullo naimbiyerna sa fake news: Utang na loob, itigil n'yo na ang teoryang ipinangalan ako sa August Twenty One Movement

Atom Araullo

HINDI na napigilan ng Kapuso news anchor at dokumentarista ang kanyang pagkadismaya sa mga naglalabasang balita tungkol sa tunay na kahulugan ng kanyang pangalan.

Pilit kasing inuugnay ng ilang netizens ang kanyang name sa mha isyu na wala naman talaga siyang kinalaman.

Sa kanyang Facebook post, nilinaw ni Atom ang tungkol sa maling impormasyon na ipinagkakalat ng mga taong walang magawa sa kanilang buhay kundi ang mag-post ng fake news sa social media.

Ayon kay Atom, o Alfonso Tomas Araullo sa tunay na buhay, pilit na inuuganay ang kanyang pangalan sa ilang isyung may kinalaman sa New People’s Army at ilan pang disinformation online patungkol sa kanya.

Pakiusap ng Kapuso broadcast journalist, “Utang na loob, itigil niyo na yung teoryang ipinangalan ako sa August Twenty One Movement o ATOM.

“Pinaslang po si Ninoy noong August 21, 1983. Ipinanganak ako noong 1982 (huhu ayan age reveal tuloy).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Atom Araullo (@atomaraullo)


“Ang Atom po ay kumbinasyon ng Alfonso at Tomas, na pangalan ng dalawa kong Lolong astig,” ang paglilinaw pa ng binata.

Patuloy pa ni Atom, “Nakakatawa na ang dami-daming naniniwala diyan, at ginagamit na pruweba ng umano’y secret political agenda ko (gasp).

“Never thought I’d need to explain this, but here we are. #Disinformation is real. Learning poverty is real. Anyway, sana masarap ang mga ulam ninyo ngayon,” aniya pa.

Kamakailan ay nag-post si Atom sa Twitter ng ilang screenshots ng mensahe ng isang netizen na nagpapakalat ng balita na miyembro umano ng New People’s Army ang kanyang inang si Carol.

“I don’t usually call out private individuals here, but behavior like this should not be normalized.

“Disinformation is a huge problem globally, one that can have deadly consequences. Examples from a particularly devoted user below,” ang paglilinaw ng news anchor ng GMA.

Atom Araullo, Zen Hernandez inulan ng tukso sa socmed, magdyowa nga ba?

Kuya Kim, Atom Araullo, Julius Babao inokray ng basher: May nanonood ba sa palabas nila?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Donny, Belle may bonggang project sana abroad pero naudlot; magkasamang lilipad patungong US para sa ‘Star Magic Tour’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending