Kris alive na alive pa rin: ‘Doble ingat lang po sa fake news!’

Kris alive na alive pa rin, hirit ni Dindo: ‘Doble ingat lang po sa fake news!’

Pauline del Rosario - December 23, 2024 - 10:28 AM

Kris alive na alive pa rin, hirit ni Dindo: ‘Doble ingat lang po sa fake news!’

PHOTO: Facebook/Kris Aquino

MATAPOS pabulaanan ni Ogie Diaz ang kumalat na chikang pumanaw na si Kris Aquino, ito ay sinegundahan ng close friend ng huli na si Dindo Balares.

Sa isang Facebook post, naikuwento ng dating writer na dalawa na raw ang nag-reach out sa kanya upang usisain ang kalagayan ng Queen of All Media.

Ang sagot niya riyan, “Para po sa followers ni Krissy, dobleng ingat na lang po sa fake news at misinformations. Huwag maniniwala hangga’t hindi galing sa kanyang pamilya o reliable sources.”

Pagbubunyag ni Dindo sa post, “Patuloy ang gamutan at pagpapalakas niya. Katunayan, food ang madalas na topic namin ngayon.”

Baka Bet Mo: Kris sa resulta ng huling check-up: There’s a problem with my heart…

“Sa last chat namin, nagtatanong siya kung may harvest pa ng Japanese sweet potato at kung anu-ano pa ang iba kong tanim,” chika pa ng kaibigan ni Kris.

May post din si Dindo na ibinabandera ang recent photo ng batikang TV host kasama ang dalawang anak na sina Bimby at Josh.

Binanggit pa niya na madalas antukin si Kris nitong mga nakaraang araw, na sana ay senyales ng kanyang paggaling.

“Madalas pa ring may masasakit sa katawan, 24/7 naka-monitor ang blood pressure at heartbeat, at tuloy ang gamutan,” wika ni Dindo.

“’But we’re together- that’s what matters,’ sabi niya nang ipadala ang picture,” Dagdag pa niya na kino-quote ag celebrity mom.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinabi rin daw sa kanya ni Kris na gagawin nito ang lahat upang mas matagal silang magsasama ng kanyang mga anak.

Kung matatandaan, nitong Setyembre lamang nang umuwi sa ating bansa si Kris makalipas ang dalawang taong pagpapagamot sa United States.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending