Atom Araullo, Zen Hernandez inulan ng tukso sa socmed, magdyowa nga ba? | Bandera

Atom Araullo, Zen Hernandez inulan ng tukso sa socmed, magdyowa nga ba?

Ervin Santiago |June 22,2021
facebook
share this

Atom Araullo, Zen Hernandez inulan ng tukso sa socmed, magdyowa nga ba?

Ervin Santiago - June 22, 2021 - 03:24 PM

MAGDYOWA na nga ba ang Kapuso news anchor na si Atom Araullo at ang Kapamilya host at broadcast journalist na si Zen Hernandez?

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang tungkol sa dalawang news and public affairs TV personality matapos kumalat ang picture nila na magkasama.

Ang kapwa nila broadcaster na si Pinky Webb ng CNN Philippines ang nag-post ng kanilang litrato sa Instagram na kuha sa Balesin Island sa Polillo, Quezon.

Sa inilagay niyang caption, sinabi ni Pinky na kinilig daw siya sa eksenang yun ngunit wala naman siyang binanggit kung may “something” na ngang namamagitan kina Atom at Zen na dating magkasama sa ABS-CBN.

Narito ang buong caption ni Pinky sa photo nila ng kanyang mga kaibigan, “It was such a nice surprise!! Syempre, kinilig ako. Kasi, alam mo na…

“It’s always so nice to see former officemates diba? (winking face with tongue emoji).

“Family is love (blue heart emoji). Kayo talaga…” ang pabiting mensahe pa ng TV host at news personality.

Sunud-sunod naman ang naging comments ng mga netizens sa picture nina Atom at Zen kabilang na ang sinabi ng isang IG user na matagal na raw nagdi-date ang dalawa.

Sinagot naman ni Zen sa kanyang  Instagram page ang ilang tanong ng kanyang followers at nabanggit nga niyang kuha ang litrato nilang tatlo nina Atom at Pinky sa Balesin.

Dito, binati rin niya si Pinky na nag-celebrate ng kanyang 51st birthday last June 11.

“Bumped into this island goddess in Balesin. Belated Happy Birthday, @pinkywebb!

“Bakit muka ka pa ring 30, eh di ba 32 ka na? (Winking Face with Tongue, clinking glasses emojis) #latepost,” sabi ni Zen.

In fairness, halos lahat ng nabasa naming komento mula sa netizens ay puro positibo at nagsabing super bagay ang dalawang news anchor at sana raw ay sila na nga ang magkatuluyan. Wala pang reaksyon ang dalawa tungkol sa panunukso sa kanila ng netizens.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa pagkakaalam namin, hanggang ngayon ay wala pa kaming nababalitaang karelasyon si Atom at hindi rin kami aware kung may dyowa ngayon si Zen.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending