Atom Araullo happy ang lovelife: Nagkakaintindihan kami sa tsismis
TINAWAG ng Kapuso news anchor at dokumentaristang si Atom Araullo na “great relationship” ang relasyon nila ngayon ng kanyang special someone.
Matagal nang napapabalita ang tungkol sa pagiging magdyowa ni Atom at ng kapwa niya broadcast journalist na si Zen Hernandez pero wala pang direktang pag-amin ang dalawa hinggil dito.
Sa panayam ng ABS-CBN News anchor na si KC Constantino para sa kanyang YouTube channel na “KC After Hours” ay nagsalita for the first time si Atom about his lovelife. Kilala kasi ang binata na tahimik lamang pagdating sa kanyang private life.
Sa mga hindi pa nakakaalam, nagkasama sina Atom at Zen sa ABS-CBN News hanggang sa lumipat nga ang binata sa GMA 7 noong 2017.
Last year pa napabalitang may “something” nga sa pagitan nina Atom at Zen matapos silang makitang magkasama sa ilang events.
Baka Bet Mo: Atom Araullo sa mga nambabatikos sa kanyang pagpuna sa transportation system ng bansa: Bakit defensive?
May mga litrato rin sila sa social media together na kuha noong October, 2023 nang nagbakasyon sila sa Hong Kong kasama ang kanilang mga kaibigan.
August, 2024 naman nang magpunta silang magkasama sa Paris Olympic at noong April, 2024 naman ay spotted silang nanood ng Miss Saigon sa Parañaque City.
View this post on Instagram
Sa isang bahagi ng interview ni KC kay Atom ay natanong nga ang tungkol sa kanyang special someone. Wala mang binanggit na pangalan ang broadcaster pero naniniwala ang lahat na si Zen ang kanyang tinutukoy.
“What drew you to her?” tanong kay Atom. “You guys are so easy,” sey pa ni KC.
“Well, I like that she has her own dreams, she has her own life, she has her own career, and priorities,” aniya.
“I feel like the reason why we work is because we support each other, and we let each other grow. And it’s nice to have someone who understands my work,” paliwanag ni Atom.
Dagdag pa niya, “Kasi it can be difficult, the time, the stress, and kahit yung tsismis, e.
“Nagkakaintindihan kami sa tsismis. Alam niya exactly what I’m talking about, and vice versa.
“So, yeah, it’s a great relationship, in that sense,” pahayag ng Kapuso news anchor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.