Jason Hernandez dinala si mystery girl sa dating 'tagpuan' nila ni Moira, muling binanatan ng mga netizens | Bandera

Jason Hernandez dinala si mystery girl sa dating ‘tagpuan’ nila ni Moira, muling binanatan ng mga netizens

Ervin Santiago |May 24,2023
facebook
share this

Jason Hernandez dinala si mystery girl sa dating ‘tagpuan’ nila ni Moira, muling binanatan ng mga netizens

Ervin Santiago - May 24, 2023 - 10:29 PM

Jason Hernandez dinala si mystery girl sa dating 'tagpuan' nila ni Moira, muling binanatan ng mga netizens

Jason Hernandez, Moira dela Torre at si ‘mystery girl’

AS expected matinding pamba-bash ang nararanasan ngayon ng singer-songwriter na si Jason Hernandez dahil sa mga litrato niya kasama ang kanyang “mystery girl.”

Ang paniniwala ng marami ay natagpuan na niya ang babaeng kanyang mamahalin pagkatapos nga nilang maghiwalay ng kanyang estranged wife na si Moira dela Torre.

May mga nag-congratulate at natuwa para kay Jason at sa bago niyang dyowa pero marami rin ang na-bad trip at nangnega sa kanya at nagsabing feeling teenager at sikat daw ang singer dahil may nalalaman pa itong pa-“soft launch” about his new found love.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jason Marvin (@jasonmarvinph)


Mas lalo pang tumindi ang natatanggap na hate message ni Jason nang mahalungkat ng mga netizens ang luma niyang social media post noong nagsasama pa sila ni Moira na ang background ay kapareho sa photo ni Jason at ni “mystery girl.”

Naka-post din ito sa Facebook page ng sikat na social media personality na si “Senyora” na umani ng sandamakmak na reaksyon at comments mula sa kanyang mga followers.

Baka Bet Mo: Jason Hernandez tuloy ang pagpe-flex sa kanyang mystery girl: ‘Siya ang nagligtas sa ‘kin, ang nagbalik ng aking ngiti’

Makikita sa unang litrato sina Moira at Jason habang nasa Horse Shoe Bend Canyon na may caption na “At nakita kita sa tagpuan ni Bathala” na mula sa hit song ni Moira na “Tagpuan.”

Sa ikalawang picture naman ay ang ipinost ni Jason sa kanyang IG account last Monday, May 22, na kuha rin sa Horse Shoe Bend Canyon, kasama ang kanyang bagong rumored girlfriend. May caption itong, “Siya ang nagligtas sa’kin, ang nagbalik ng aking ngiti.”

Ang caption naman ni Senyora sa kanyang ni-repost na litrato nina Jason ay, “Baka ako na sunod mo dalhin jan ha.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jason Marvin (@jasonmarvinph)


Nakakaloka ang mga komento ng netizens sa FB hugot ni Senyora about Jason’s lovelife.

“The design is very eme.”

“Senyora…Pero ikaw ang taong hindi kayang dalhin sa Tagpuan ni Bathala Peaceyowww Madam na Senyora pa.”

“The design is very PAPANSIN.”

“Do you get deja vu when she’s with you.”

“Kung ako nasa lugar ng babae nakakasakit ng loob. Dadalhin ka sa mga lugar na minsan na ding pinagdalhan ng dating karelasyon, the design is very panakip butas. ano yun? Nire-remake at nire-reminisce ang past?”

“Kung ako yung girl, overthink malala na ko. Ano yun reminiscing the past and reusing it? The design is very deja vu!”

“Broken marriage vow lang ang peg haha.”

“The level of petty. He (was) bringing his woman to those certain memorable places he’d been with his wife.”

“Yung dinala ka sa lugar na memorable sa kanila. Awtsu hahaha.”

“The design is very namimiss yung memories with original asawa. sana man lang sa ibang lugar mo dinala Jason! Kawawa yung girl eh, ginawang rebound. Kayong mga lalaki talaga.”

Abangers naman ang lahat sa magiging reaksyon ni Jason sa “ungkatan ng past” nila ni Moira. Totoo nga kaya ang litrato nina Jason at Moira na ikinukumpara sa photo niya with mystery girl?

Jason Hernandez trending dahil sa ibinanderang ‘mystery girl’, nagkabalikan nga ba sila ni Moira dela Torre?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vilma, Edu dinala sa Libingan ng mga Bayani si Luis noong ipagtapat na maghihiwalay na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending