Jason Hernandez tuloy ang pagpe-flex sa kanyang mystery girl: 'Siya ang nagligtas sa 'kin, ang nagbalik ng aking ngiti' | Bandera

Jason Hernandez tuloy ang pagpe-flex sa kanyang mystery girl: ‘Siya ang nagligtas sa ‘kin, ang nagbalik ng aking ngiti’

Ervin Santiago |May 22,2023
facebook
share this

Jason Hernandez tuloy ang pagpe-flex sa kanyang mystery girl: ‘Siya ang nagligtas sa ‘kin, ang nagbalik ng aking ngiti’

Ervin Santiago - May 22, 2023 - 04:36 PM

INUUNTI-UNTI ng singer-songwriter na si Jason Hernandez ang pagri-reveal sa identity ng pinag-uusapang “mystery girl” na  pinaniniwalaang bago niyang dyowa.

May mga natutuwa at nae-excite sa mga paandar ng estranged husband ni Moira dela Torre about his lovelife pero marami rin ang naba-bad trip at nabubwisit sa singer.

Pero mukhang dedma at wapakels si Jason sa mga bashers at haters niya sa social media dahil tuluy-tuloy pa rin ang pagpo-post niya ng mga litrato nila together ng kanyang “mystery girl”.

Pagkatapos ngang i-flex ng ex ni Moira sa social media ang bagong babae sa kanyang buhay na “nguso” lang ang makikita dahil natatakpan nga ng sumbrero ang mukha nito, sinundan pa ito ng isa pang litrato.

Sa nasabing photo, ibinahagi naman ni Jason ang likuran ng girlalu. Nakahilig sa balikat ng singer ang ulo nito habang makikita sa harapan nila ang Golden Gate Bridge sa San Francisco, USA.

Baka Bet Mo: Jason Hernandez sa mga parinig daw ni Moira: ‘Tinatanggap ko na lang kasi nagkamali naman talaga ako…I deserve it’

At kahapon nga, May 22, muling ibinandera ni Jason ang litrato nila ng girl sa Facebook habang nasa Horse Shoe Bend Canyon at tila tumutugtog pa ng gitara si Jason.

“Siya ang nagligtas sa ’kin, ang nagbalik ng aking ngiti,” ang maikling caption ni Jason sa kanyang FB post.

Kung matatandaan, inakala ng mga netizens na si Moira ang kasama ni Jason mga litratong ipinost niya sa socmed pero agad naman itong pinabulaanan ng Kapamilya singer.

“‘Ako’y tahimik lang sa umpisa…’ eme. di ako yon,” ang comment ni Moira sa mga Marites all over the universe.

Related Chika:

Jason Hernandez tuloy tuloy ang pa-‘soft launch’ ng kanyang mystery girl

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ex ni Moira na si Jason Hernandez may bagong ‘hugot’ song tungkol sa pagsisisi, pag-aayos ng relasyon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending