Moira dela Torre nilinaw ang dahilan ng pag-iyak, hindi dahil 'binato'

Moira dela Torre nilinaw ang dahilan ng pag-iyak, hindi dahil ‘binato’

Therese Arceo - March 01, 2025 - 11:45 PM

Moira dela Torre muntik nang tamaan ng bote ng tubig habang nasa mall show

NILINAW ng singer-songwriter na si Moira dela Torre ang mga kumakalat na balita patungkol sa viral bottled water incident kamakailan habang siya ay nagpe-perform sa mall.

Aniya, hindi naman siya sinadyang batuhin ng boteng may laman na tubig bagkus ito raw ay aksidenteng nalaglag mula sa itaas na palapag ng mall.

Matatandaang nag-viral at naisulat na naman rito sa BANDERA ang insidenteng naganap habang si Moira ay kumakanta ng kanyang hit song na “Tagpuan” nang biglang may boteng nalaglag mula sa taas ng mall at muntik na siyang matamaan.

Marami kasi ang nag-ugnay sa naturang insidente na may nagsadyang bumato sa kanya ng bote na may tubig dahil sa mga isyung kinasasangkutan niya.

Baka Bet Mo: Moira dela Torre muntik nang tamaan ng bote ng tubig habang nasa mall show

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

 

“At saka hindi ako binato ng bote, okay? Nabato lang, nabato tuloy, nalaglag lang ‘yun,” paglilinaw ni Moira.

Bukod pa rito, ipinaliwanag rin ni Moira ang dahilan sa kanyang naging pag-iyak habang nagpe-perform sa naturang mall show.

Dumalaw raw kasi sa kanya ang bestfriend niya habang nagpe-perform siya kaya hindi niya napigilan ang maging emosyonal.

“At saka hindi ako umiyak dahil nabato ako ng bote, umiyak ako kasi sinurprise ako ng best friend ko.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending