Sam Milby sa relasyon kay Moira Dela Torre: We are not friends anymore

Sam Milby, Moira Dela Torre
HINDI na magkaibigan sina Sam Milby at Moira Dela Torre.
Inamin ito mismo ng aktor matapos ma-interview ng entertainment reporter na si MJ Felipe sa “On Cue” ng ABS-CBN.
Inalala pa nga ni Sam ang very close relationship nila na magkapatid na ang turingan nila sa isa’t-isa.
“Dati, we’ve always been mag-kuya. We were very close,” sey niya.
Kwento ng binata, “I was there ‘nung nagsa-start pa lang siya sa career niya, sa pag-angat niya. I was pushing her and I was supporting her.”
Baka Bet Mo: Moira Dela Torre in-unfollow nina Sam, Yeng, Erik, TJ sa IG, anyare?!
Kasunod nga niyan ay naitanong siya kung magkaibigan pa sila ni Moira, at ang diretsahang sagot ni Sam: “We are not friends anymore.”
Inamin niya na pinutol na nila ang kanilang friendship last year pa at ayaw nang idetalye kung ano ang nangyari between them.
“It’s an issue that’s a bit more sensitive, I think,” wika niya.
Paliwanag pa ni Sam, “I feel like it’s not only with me but—it’s just something I don’t really want to talk about. We’re just not friends anymore.”
Bukod diyan ay tinuldukan na rin ng aktor ang kumakalat na chikang si Moira ang dahilan na naghiwalay sila ng dating fiancee na si Catriona Gray.
“There’s never been a third party sa amin ni Cat,” sambit niya.
Kamakailan lang, naging usap-usapan sa social media ang pag-unfollow ni Sam, pati na rin nina Yeng Constantino, Erik Santos, TJ Monterde, at ilan pang music artists sa Instagram ni Moira.
Ito ay mahigit isang buwan mula nang ibalita ng showbiz insider na si Ogie Diaz na may nakarating sa kanya na tuluyan nang binitawan ng Corrnerstone bilang talent ang dalaga.
Ang dahilan daw ayon sa source ni Ogie ay attitude problem.
Ayway, kahit hindi naka-follow si Sam sa official IG page ni Moira ay nakita naman namin na following pa rin siya sa isa pang account ng dalaga na ang username ay @moiraslion na kung saan ay bida ang furbabies ng dalaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.