Sam Milby nape-pressure nang magkaanak, halos lahat ng friends pamilyado na

Sam Milby
PRESSURED ang aktor na si Sam Milby ngayong turning 41 na siya sa Mayo 23 dahil wala pa rin siyang anak at walang magpapatuloy ng apelyido ng namayapang ama.
Ito ang inamin ni Samuel Lloyd Lacia Milby sa panayam niya sa “Fast Talk with Boy Abunda” sa GMA 7 kagabi. Sa tanong ni Kuya Boy kung ano pa ang pangarap ng binata ngayong edad 40 na siya.
Humugot muna ng malalim ang aktor sabay sabing, “I still dream of having a family! I’m 40.”
Sabi pa ng binata, “My dad….
baka maging kagaya ng dad ko, he was 49 when I was born. Nu’ng pinanganak ako. That’s not my ideal age (to get married). Nu’ng dati sa mga interview ko palagi kong sinasabi na gusto kong maging dad mga 35 (years old).
“But the sad truth is you can make so many plans in life, ideal age but life doesn’t always happening the way you want it to and that’s something always hard to accept and I accept that I’m 40 and I think mahirap tanggapin because mga ibang kaibigan ko karamihan may asawa’t anak na.
“For me my understanding is everyone has their own journey and you have to accept that and I’m also on my own journey and it’s not the plans and the way I was hoping would go but I accept that I and understand that I’m on my own journey,” aniya.
Balik-tanong ni Kuya Boy, “Would you entertain the possibility of having a child outside of marriage?”
Mabilis na sagot ni Sam, “No! I would not!”
Natanong ito ng “FTWB” host dahil nabanggit nga ng aktor na karamihan sa mga kaibigan niya ay may mga asawa’t anak na at dahil edad 40 na ay baka puwedeng anak na lang kahit hindi pa kasal.
Inamin ng binata na may pressure sa kanya na wala pang anak dahil, “I feel the pressure honestly because my last name Milby. It’s not a common last name, I’m the last person to carry on in my family. May dalawang half-brothers never silang nagkaanak, my sister (Ada) obviously doesn’t carry the name, so, I feel kinda the pressure to carry on the Milby name.”
Kaya ang biro ni kuya Boy, “Get married tomorrow!”
Tumawa naman nang husto si Sam, “Yeah, that’s what people say, bilisan mo, bilisan mo!”
Samantala, ang tawag ni Kuya Boy kay Sam ay “The Actor of Consequence” nang ipakilala niya ito sa “Fast Talk with Boy Abunda” dahil wala pala sa plano ng aktor na pasukin ang showbiz, mga pinsan lang niya ang nagtulak sa kanya.
Sabi ni Kuya Boy, “Our very special guest today is very special, nakilala ko po ito nu’ng siya’y nag-uumpisa pa lamang dito sa ating industriya. He still the boy I saw some 20 years ago…that smile at nakaka-proud lamang because he had become an actor of consequence.”
Natawang sabi ni Sam, “Yes, I’m still the same boy that you met some 20 years ago. Tagal na no’n no?”
Inamin ng aktor na maraming nabago sa buhay niya noong pinasok niya ang showbiz dahil na-build ang self-confidence niya dahil sobra siyang mahiyain at introvert noong bata hanggang nagtapos ng high school.
“It helped me be more comfortable with myself,” saad ng aktor.
Ibinuking ni Sam ang sarili na dumating siya ng Pilipinas taong 2002 at nakilala niya si Kuya Boy at nag-meeting sila.
“I wanna appreciate you because you wanna help me to take acting classes, learned Tagalog like that and I did, I started ang problema ko, na-miss ko ‘yung high school girlfriend ko (natawa) and after one month I went back to (US), I went back for her.
“I wanna thank you for giving me the opportunity for wanting to help me at that time but that was kind of a plan I want it at least try whatever that would be, I didn’t know kung papasok ako sa showbiz, I want it to try something.
“And when I came here 2005, wala akong balak mag-stay but ‘yung mga pinsan ko they would say, ‘you should try at least modelling, commercials kasi mahilig sila sa half look (Fil-Am),’ and that’s why I decided to stay,” pagbabalik-tanaw ni Samuel.
Nagpapasalamat din siya dahil sa 20 years niya sa showbiz ay marami na ang nabago sa kanya sa karera niya bilang aktor pero hindi nagbago ang ugali at saksi rin kami na sa 18 years naming pagkakakilala at nakasama si Sam sa mga out of town sold out concerts ay hindi siya binago ng panahon.
Nagsimula na ring mapanood si Sam sa extended version ng seryeng “Saving Grace” kagabi, March 3, kasama sina Julia Montes, Zia Grace, Janice de Belen, Elisse Joson at Sharon Cuneta sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.