Sam never nakarelasyon si Moira; nirerespeto pa rin si Catriona

Sam Milby never nakarelasyon si Moira; nirerespeto pa rin si Catriona

Reggee Bonoan - February 20, 2025 - 08:48 AM

Sam Milby never nakarelasyon si Moira; nirerespeto pa rin si Catriona

Moira, Sam Milby at Catriona Gray

“PEOPLE believe that si Moira (dela Torre) ang third party. Yes, it’s so funny and sad at the same time dahil ang daming naniniwala, they’re making their own assumptions.”

Iyan ang bungad ni Sam Milby nang makausap namin sa dressing room sa ELJ Building pagkatapos ng mediacon ng seryeng “Saving Grace” nitong Martes, Pebrero 18.

Saad ng aktor, “Have you seen any evidence at all? Wala because it’s not true! No truth to any of that at all. Kami ni Moira we’ve been always magkuya and there’s nothing between us.”

Hindi kasi nagbigay ng paliwanag ang ex-couple na sina Sam at Catriona Gray kung ano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay isang taon na ngayon ang nakararaan

Bukod doon ay engaged na sila at inaabangan na lang ng madlang pipol ang kanilang kasal pero nauwi rin sa hiwalayan dahil daw kay Moira.

Baka Bet Mo: Chad Kinis na-inspire sa ‘bakit may sad’ post ni Donnalyn, may talak sa mga single

Hinalukay ng netizens ang mga lumang larawan nina Sam at Moira at maging ang pagtira noon ng “Paubaya” singer sa bahay ng aktor noong nagsisimula pa lang ito sa kanyang singing career ay binigyan ng malisya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Baka raw ngayon lang nabuking ni Catriona na si Moira ang umano’y kept woman ni Sam kaya iniwan nito ang binata.

“And sa amin ni Cat we’ve always kept our relationship private, so, out of respect sa kanya, we haven’t talk our relationship (hiwalay na). Are we okay? Yes we are.

“But I want to make sure and mag-ingat sa mga tao to believe things are people trying to connect things on their own thinking na, ‘oh dahil nag-break sila kasi si Moira close ni Sam dati so, may nangyari sa kanila.’

“There’s no truth to that and I wanna make sure people na walang katotohanan at all,” diin pa ni Sam.

Tinanong namin si Sam kung galit siya sa isyu nila ni Moira, “Hindi naman ako nagalit, more on nainis because it’s not true!

“And that’s sad, people are assuming and they’re creating their own stories na walang katotohanan but, you can’t control of what people think, it’s a sad thing.

“People think of what they want to think and wala akong magawa kahit anong sabihin ko, sige bahala na kayo kung ano ang gusto ninyong paniwalaan at walang katotohanan ‘yan!” panigurado ni Sam.

Samantala, simula sa Marso 3 ay mapapanood na ang “Saving Grace: The Untold Story” at bukod kay Sam ay kasama rin sa serye sina Julia Montes, Zia Grace, at Sharon Cuneta mula Lunes hanggang Biyernes sa ganap na 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5 iWantTFC, at Kapamilya Online Live.

Ang “Saving Grace: The Untold Story” ay tungkol sa pagkidnap ni Anna (Julia) sa estudyante niyang si Grace (Zia) nang malaman niya ang pang-aabusong natatanggap nito mula sa sariling ina.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mas lalong matutuklasan din sa serye ang iba’t ibang kwento sa likod ng masalimuot na nakaraan ng apat na nanay na ginagampanan nina Jennica Garcia, Janice De Belen, Julia, at Sharon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending