Sam Milby humingi ng name suggestions para sa bagong 'baby' | Bandera

Sam Milby humingi ng name suggestions para sa bagong ‘baby’

Reggee Bonoan - July 13, 2024 - 08:08 PM

Sam Milby humingi ng name suggestions para sa bagong 'baby'

SA unang pagkakataon ay humihingi ng suggestions ang singer/actor na si Sam Milby kung anong magandang pangalan ang ibibigay niya sa bago niyang motorbike.

Post niya sa kanyang Instagram, “Loving my new ride! I’ve never named any of my bikes or cars before, but I wanna give this one a name. What do you think she looks like… any suggestions?”

Akala naming ay huminto si Sam sa kanyang first love, ang pangangarera dahil alam naming ay may mga sinu-shoot siya, hindi pa pala dahil kamakailan lang ay sumali siya.

Base sa video post ng aktor, “Yamaha Day with my new bike and my first time on a track :)”

Baka Bet Mo: Sam Milby inatake ng type 2 diabetes, inakalang super healthy ang body

 

View this post on Instagram

A post shared by Sam Milby (@samuelmilby)

Ni-repost naman ni Sam ang pinost din dati si John Prats na magkakasama sila nina Jake Cuenca, Paolo Paraiso, Sancho de las Alas, Marc Solis at si Sam na ang tawag sa grupo nila ay Drama Moto Club at nasa isang motorbike shop sila at naghahanap ng bagong modelo.

Caption ni John, “Huwag palampasin! Inaanyayahan namin kayong lahat na manood ng aming pilot vlog mamayang 7pm sa DramaMotoClub channel sa YouTube. Kita-kits at sabay-sabay nating i-enjoy!”

Samantala, nakakaaliw ang followers ni Sam dahil game rin naman silang nagbigay ng ipapangalan ng aktor sab ago niyang ride.

Siyempre ang unang suggestion na pangalan ay, ‘Gray’ mula sa surname ni Catriona Gray na hindi pa confirmed kung hiwalay na sila ni Sam.

Sinundan naman ng ‘Nice Sammy!’

May nagpost ng, ‘Blueey.’

Sabi naman ng netizen ay, “Blade (sleek) Raven enigmatic and/or Neo (futuristic) congrats again HandSAM pls be careful 🙏🏼 miss you.”

At dahil mabilis ang motorsiklo kaya may nagsabing, “Flash”

Mula naman sa Japanese word na, “UMI SORA” na ang meaning ay, “SEA x SKY”

Hirit naman ng isa pang netizen, “Catcat”

At dahil kulay blue kaya ang suggestion ay, “Azul.”

Ang term of endearment naman ni Sam kay Catriona na “Koala”ang maganda raw pangalan ng ride ng aktor.

May nagsabi na, “Nice bike, I would call her ALOHA.”

May intrigerang follower ang nag suggest ng, “Anne”

Si Anne Curtis marahil ang tinutukoy na ex-girlfriend ni Samuel Lloyd na ngayon ay happily married na kay Erwan Heussaff.

At dahil produkto ng Yamaha ang motorsiko kala ipangalan na lang ay, “Yammy”.”

Say naman ng isa pang follower ay , “Emmanuel means “Our God is with us” feels so safe whenever you’re riding your new.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napa- smile kami sa pangalang ito, “Catriona Blue.”

Sa totoo lang ang dami-daming suggestions na pawang magaganda naman at sana nga may mapili si Sam sa mga nabanggit.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending