Chad Kinis na-inspire sa 'bakit may sad' post ni Donnalyn, may talak sa mga single | Bandera

Chad Kinis na-inspire sa ‘bakit may sad’ post ni Donnalyn, may talak sa mga single

Therese Arceo |January 11,2023
facebook
share this

Chad Kinis na-inspire sa ‘bakit may sad’ post ni Donnalyn, may talak sa mga single

Therese Arceo - January 11, 2023 - 02:56 PM

Chad Kinis na-inspire sa 'bakit may sad' post ni Donnalyn, may talak sa mga single

TAWANG-TAWA ang mga netizens sa panggagaya ng komedyanteng si Chad Kinis sa trending “bakit may sad” post ni Donnalyn Bartolome.

Matatandaang hanggang ngayon ay mainit pa rin ang pahayag ni Donnalyn na “bakit may sad na balik trabaho” at “dapat maging grateful sa work” nanganak na ng maraming memes.

At ngayon nga ay si Chad Kinis naman ang gumawa ng kanyang version at iniugnay ito sa paparating na Valentines Day.

“Bakit may sad dahil wala kang jowa sa darating na Valentines? Diba dapat masaya ka kasi may chance ka na makapili pa at makakilala ng nararapat sa’yo at maexplore ang buhay single? Trip ko pa nga maging single hanggang Feb 14 dahil superstition ko single ako ng buong taon pag ganun,” saad ng komedyante.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chad Kinis (@chadkinis)

“Dapat grateful kahit walang jowa. If single makes you unhappy, I hope you find a jowa that will make you happy. Yung pakikiligin ka and sheet. Anyway, this is just a reminder that being single is also a blessing bessss change mindset, it’s 2023!!” dagdag pa niya.

Hirit pa ni Chad sa comment section, “Sige i-bash niyo at isusumpa ko talaga na hindi na kayo magkajowa at maging single kayo for life!”

Marami naman ang mga nag-comment at nag-tag rin sa isang social media personality na si Rendon Labador.

At tulad nga ng inaasahan ay nakipag kulitan rin ito at nag-comment sa post ni Chad.

“OPEN LETTER TO ALL INFLUENCERS

“Dear Chad, Huwag kang malulungkot sa pinagdadaanan mo ngayon. Mahirap talaga ang posisyon natin sa socmed. Ma-eexpose talaga ang level ng pag-iisip natin. Kung tng tnga ka, mahahalata ng mga tao ito. Kung matalino ka naman ay ma-aappreciate naman nila ito.

Kaya i-take mo itong chance na ito para mag step back at marealize na kahit sobrang taas na ng fame natin, huwag natin i-expect na sasabay ang utak natin. Siguro oras na para i-build mo naman yung ibang aspects ng buhay mo, kasi 3M followers ka na pero yung mindset mo ay pang zero following. Kung tatalino ka lang sana agad ay mas ma-iinspire mo sila ng sobra.

“Andito lang ang mga netizens para sumuporta sa’yo sa pag-aaral mo. See you at the top! #PrayForChad #stayMotivated Eme lang Mima Chad.”

Related Chika:
Chad Kinis hiwalay na sa dating karelasyon, nasaktan pero hindi umiyak: It’s a different kind of pain

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nikko Chua binuweltahan ang bashers: Ano po ba ang intensyon ko kay Chad? Alam n’yo po ba ang mga nangyari sa amin?

Chad Kinis napaiyak sa presscon ng Beks Battalion concert, pero inokray-okray pa nina Lassy at MC

2 miyembro ng Beks Battalion tinamaan ng COVID-19; Chad Kinis nahawa sa hiniram na lip balm

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending