Chad Kinis hiwalay na sa dating karelasyon, nasaktan pero hindi umiyak: It's a different kind of pain | Bandera

Chad Kinis hiwalay na sa dating karelasyon, nasaktan pero hindi umiyak: It’s a different kind of pain

Therese Arceo |June 03,2022
facebook
share this

Chad Kinis hiwalay na sa dating karelasyon, nasaktan pero hindi umiyak: It’s a different kind of pain

Therese Arceo - June 03, 2022 - 04:42 PM

Chad Kinis hiwalay na sa dating karelasyon, nasaktan pero hindi umiyak: It's a different kind of pain
TULUYAN na ngang inamin ng vlogger at komedyanteng si Chad Kinis na hiwalay na sila ng huli niyang nakarelasyon na si Nikko Chua.

Sa naging panayam niya sa talent manager na si Ogie Diaz ay diretsahan niyang inamin na sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay hindi niya iniyakan ang nagtapos na relasyon.

“Lagi naman akong naging masaya sa bawat relasyon ko. Hindi ko naman itatanggi. Merong magagandang memorya,” saad ni Chad.

“Sa isang relasyon, it’s not all bitterness kahit nagkahiwalay kayo. Hindi mo dapat itatwa na meron kayong mga happy memories pero hindi mo rin dapat panghinayangan ‘yun,” dagdag pa niya.

Para kasi kay Chad, kung naging masaya naman kayo habang nasa relasyon ay okay na ‘yun at kung dumating man sa point ng paghihiwalay ay ang mahalaga naging happy kayo.

Walang eksaktong sinabi ang komedyante na dahilan ukol sa kanilang paghihiwalay pero kung ang pagbabasehan ay ang mga sinabi niya kay Ogie ay mukhang hindi naging maganda ang pagtatapos ng kanilang love story.

Aminado siya na noon, umiyak siya sa mga nagdaan niyang relasyon pero ang recent break up nga ay hindi niya iniyakan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chad Kinis (@chadkinis)

“It’s a different kind of pain. Kumbaga kung same old story lang din naman, I think it’s not worth it to shed a tear kasi same reason… ito na naman, bakit pa ako iiyak?

“At saka sa akin ngayon, every relationship that ends dahil sa same reason na mga nangyari sa previous is an opportunity for me,” pagpapatuloy pa niya.

Maaring sa una raw ay nakaramdam siya ng lungkot ngunit na-realize niya na dapat maging masaya siya sa oportunidad na ibinigay sa kanya.

“It’s an opportunity for me to move on, live on, and to find someone who really deserves my love and I deserve too. Minsan kasi we do not end up with someone we like but we end up with someone we deserve so dapat hindi ka mapagod. You don’t have to get tired na maghintay ng tao para sa ‘yo.

“Mas okay ako sa isang relasyon na alam kong minamahal ako ng totoo kesa alam kong pinaglalaruan lang ako, di ba?” sey pa ni Chad.

Bagamat hindi naging maayos ang kanilang paghihiwalay ay hindi niya ito pinaghihinayangan.

“I don’t regret it kasi kung panghihinayangan mo ‘yun, hindi mo panghihinayangan ‘yung isang tao na alam mong naging totoo ka pero those time iniiputa ka lang, kaso it can happen again.”

Related Chika:
Model-businessman pinatunayan ang pagmamahal kay Chad Kinis; malilisyosong bashers hinamon

2 miyembro ng Beks Battalion tinamaan ng COVID-19; Chad Kinis nahawa sa hiniram na lip balm

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Chad Kinis sinorpresa ang binatang walang maayos na tirahan

Chad Kinis sa mga nangungutang na hindi nagbabayad: Parang mga ipis sa basurahan, ‘pag inangat mo nagtatakbuhan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending