Model-businessman pinatunayan ang pagmamahal kay Chad Kinis; malilisyosong bashers hinamon Bandera

Model-businessman pinatunayan ang pagmamahal kay Chad Kinis; malilisyosong bashers hinamon

Ervin Santiago |July 07,2021
share this

Model-businessman pinatunayan ang pagmamahal kay Chad Kinis; malilisyosong bashers hinamon

Ervin Santiago - July 07, 2021 - 08:53 AM

MULA nang ibandera ng komedyanteng si Chad Kinis sa publiko ang tungkol sa relasyon nila ng model-businessman na si Nikko Alano Chua ay hindi na sila tinantanan ng mga haters.

Nito lang nagdaang June 17, 2021 ipinaalam nina Chad at Nikko ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng sunud-sunod na social media post kalakip ang mga litrato nila together na kuha nang magbakasyon sila sa sosyal na resort sa Batangas.

In fairness, talagang ipinangalandakan ni Nikko ang pagmamahal niya kay Chad (na miyembro rin ng Beks Battalion) sa pamamagitan ng isang appreciation post sa Facebook at tinawag pa niya itong “one and only babe”.

Aware ang binata na maraming nangnenega at nang-ookray sa relasyon nila ni Chad ngunit nangako siyang, “No one could every destroy us.”

Sa socmed, kung anu-ano ngang  masasakit at malilisyosong salita ang ibinabato ng ilang netizens laban sa kanila, lalo na kay Nikko na itinanghal ding Mr. Mossimo noong 2018.

Kaya naman nang hindi na makatiis, talagang buong-tapang na binuweltahan ng modelong binata ang mga taong nagsasabi na pera lang ang habol niya sa komedyante at ginagamit lamang niya si Chad para sumikat.

Ayon sa isang netizen, “Sanaol mapera. Sigurado yan, pag lipas na at wala nang pera si chad iiwanan mo rin yan. Hahaha.”

Sey pa ng isang basher, “IMPOSIBLENG WALA KANG NAPAPALA KAY Chad Kinis PERA PERA LANG YAN!”

Ang reply sa kanila ni Nikko, “Come visit my resto and clinic sponsoran ka namin ng mom ko at sister ko. (wink emoji).” Na ang tinutukoy nga ay ang kanyang food business at aesthetic clinic ng kanyang pamilya.

Nagpasalamat naman si Chad Kinis sa pagsasalita at pagtatanggol ni  Nikko sa kanilang relasyon, “This means a lot to me babe. Thank you for being proud and accepting me. Thank you for coming into my life.”

Kasunod nito, nagpasalamat din ang modelo sa lahat ng nagpahayag ng pagmamahal at suporta sa kanila ni Chad, at muling sinabi na tunay silang nagmamahalan ng komedyante.

Narito naman ang kabuuan ng appreciation post ng binata sa gay comedian: “There might be instances that we’ll fight but I will try my best to always understand you and make it more easier for us to be aight.

“Being a public figure could harm our relationship because there are so many negativities surrounding us both without even knowing but despite all of that we could do everything with the help of every positivities we have — which is our love for each other and from the people that’ll support and that’s supporting us.

“No one could ever destroy us. Specially that we have everything by the faith in God. You’re a Godsent, babe!

“I wanted to make every day of your year, decade and even century (if I am able to do so) extraordinary! I love you!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending