Vice Ganda may pa-garage sale, kikitain mapupunta sa ‘scholars’

PHOTO: Facebook/Vice Ganda
GARAGE sale for a cause.
‘Yan ang makabuluhang ilulunsad ni Vice Ganda simula ngayong araw, March 27 hanggang Linggo, March 30, sa Diliman Quezon City.
Pero hindi ito basta-basta dahil ang mga kikitain niya riyan ay mapupunta sa kanyang mga scholars.
Ayon sa komedyana, parehong brand new at pre-loved items ang ibebenta niya, pati na rin ng kanyang partner na si Ion Perez.
Baka Bet Mo: 2 scholar ni Alden naka-graduate na sa college; magko-concert para sa mga batang gustong mag-aral
Tinawag niya itong “UNKABOGABLE garage sale” kung saan ilan sa mga for sale ay branded sneakers, high heels, shirts, pants, jackets, shorts, dresses, suits, gowns, at costumes.
“I-check out at i-mine na ang brand new and pre-loved items ko at ni Ion with great selections of branded clothing and shoes!” sey ni Vice sa isang Facebook post.
Paliwanag niya, “Proceeds of the garage sale will benefit Vice Ganda’s scholars.”
Alam naman natin na maraming pinag-aaral ngayon si Vice na kung saan ang ilan sa kanila ay naging contestant ng noontime show na “It’s Showtime.”
Ayon sa kanya, nais niyang ibalik ‘yung kabutihan at pagtulong na ginawa sa kanya noon.
“Ginawa din naman kasi sa akin ‘yun. Tinulungan lang din naman ako. Kung nasasaan man ako, ‘di naman ito lahat dahil magaling ako,” sey ng TV host.
Patuloy niya, “Nandito ako dahil marami din namang tumulong sa akin and I acknowledge that.”
“And now that I have the chance, I will be of help and of support also to those who are in need of it,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.