2 scholar ni Alden naka-graduate na sa college; magko-concert para sa mga batang gustong mag-aral | Bandera

2 scholar ni Alden naka-graduate na sa college; magko-concert para sa mga batang gustong mag-aral

Ervin Santiago - November 22, 2021 - 01:21 PM

Alden Richards

PATULOY pa rin ang pag-ulan ng blessings para sa Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.

Ito’y dahil hindi rin naman tumitigil ang Pambansang Bae sa pagtulong sa mga kababayan nating mahihirap at nangangailangan, lalo na ang mga kabataan.

Sa pamamagitan ng kanyang AR Foundation, napakarami nang natulungang estudyante ni Alden dahil sa adbokasiya niya sa edukasyon. 

And yes, ilang scholar nga ng kanyang foundation ang nakapagtapos na ng pag-aaral kaya naman abot-langit ngayon ang kaligayahan ng Kapuso Drama Prince.

“I’m really proud to say na I now have two college graduates,” ang masayang ibinalita ni Alden sa gjnanap na virtual mediacon para sa kanyang benefit docu-concert na “FORWARD”. 

In fairness, talagang naglalaan ng panahon ang binata sa operasyon ng AR Foundation dahil nais niyang matutukan kung anu-ano pa ang kailangan nito para mas maging mabilis at effective ang kanilang mga proyekto.

“Right now we focus on kids as in anyone na gustong mag-aral. That’s what the ‘FORWARD’ concert is all about. All the proceeds will go to the AR Foundation to sustain or acquire more scholars,” pahayag pa ni Alden.

Aniya pa, mas marami pang ilulunsad na mas bonggang proyekto ang AR Foundation sa mga susunod na buwan para sa  mga kabataan na nangangailangan ng tulong at pagkalinga.

“Nasa first stage pa lang naman kami ng AR Foundation to give scholarship to kids. May mga future plans kami na kahit papaano maka-establish tayo ng solid grounds for work for them,” sabi pa ng Pambansang Bae.

Naikuwento ni Alden na kahit wala pa ang AR Foundation ay talagang tumutulong na siya sa iba’t ibang charity institutions.

“Mga ika-second year ko nang mag start ako sa showbiz, I really had that urge to share whatever I’m getting. Halimbawa bagong sweldo, siyempre blessing ‘yun ayoko naman na akin lang siya lahat,” pahayag ng binata.

View this post on Instagram

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02)


Mensahe pa niya, “I want AR Foundation to be isa sa mga tools ng mga kabataan na makakuha ng mga magiging scholars para maabot nila ‘yung mga pangarap nila sa buhay.”

“Personally, I have experienced difficulties. When it comes to studying, ‘yung gustong-gusto mo mag-aral pero wala kang perang pampaaral, hindrance po talaga ang kahirapan sa edukasyon.

“Mahirap po mag aral kapag hindi ka po financially stable so I want AR Foundation to be there,” lahad pa niya.

Sa docu-concert na “FORWARD”, ibabandera ni Alden ang tunay na buhay ni Richard Fulkerson, Jr. bago pa siya sumikat bilang Alden Richards.

Sa direksyon ni Frank Lloyd Mamaril, ang “FORWARD” ay mapapanood na sa Jan. 30, 2022, 8 p.m.. Available na ang tickets sa Ticket 2 Me website,  https://ticket2me.net/e/34360.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02)


https://bandera.inquirer.net/295707/ano-ang-matagal-nang-hiling-ni-daddy-bae-na-gustong-tuparin-ni-alden

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending