Alden Richards tutuparin ang pangarap na maging piloto, nabigyan ng scholarship

PHOTO: Instagram/@aldenrichards02
WOW naman ang aktor na si Alden Richards, may bagong pagkakaabalahan this year bukod sa kanyang showbiz career!
Tutuparin na raw kasi niya ang matagal nang pangarap na maging isang piloto.
Ang exciting news na ‘yan ay ibinunyag mismo ng aktor sa nakaraang contract signing event sa pagitan ng Viva Group of Companies at kanyang kumpanya na Myriad Entertainment.
“Right now, siguro pwede ko nang i-share na meron pong nag-ooffer since I’ve been very vocal about being a pilot so there’s been an aviation school in Clark that offered a scholarship to me to be a pilot,” sey niya.
Baka Bet Mo: Piloto sa bumagsak na PAF fighter jet ikakasal ngayong taon
Nabanggit din niya na ito rin ang pangarap ng kanyang ama at umaasa siyang uumpisahan na niya ang nasabing kurso ngayong 2025.
“Sobrang excited din ako tsaka ko na lang po idi-discuss kung sino ‘yung nag-offer ng scholarship once it’s final already,” wika ni Alden.
Chika niya, “It has been my dad’s dream. Sabi ko, ‘Sige dad since medyo 59, 58 ka na ako na lang. Hopefully kung kaya this year matapos ko ‘yung course, then lipad lipad na tayo.’”
Kasunod niyan ay sinabi niyang wala siyang fear of heights at inalala ‘yung naging eksena sa pelikula niyang “Hello, Love, Again” kung saan siya ay nakapag-skydiving.
“[N]ag-skydive nga po ako sa Dubai. Mahilig po ako sa mga matataas na lugar,” sambit niya.
Paliwanag pa ng hunk actor, “It gives a bird’s eye view of everything […] I love to fly.”
Kung maaalala, ang kapwa-actor na si Xian Lim ay isa nang ganap na piloto matapos makuha ang kanyang lisensya bilang isang private pilot kamakailan lang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.