Alden Richards inalok sumabak sa politika; Michelle Dee reynang-reyna

Alden Richards at Michelle Dee
MARAMI na ang nag-alok kay Asia’s Multimedia Star Alden Richards na sumabak na rin sa politika dahil sure na sure raw ang pagkapanalo niya.
Matagal na raw kinukumbinsi ang award-winning Kapuso actor ng ilang political groups na kumandidato pero lahat daw ay marespeto niyang tinatanggihan.
“Lagi ko pong sinasabi even though there’s a lot of clamor for me running for politics, I can help people without being part of the government,” ang pahayag ng Box-Office King sa report ng GMA Entertainment.
Paliwanag ng actor-TV host at producer, “It’s not because ayaw ko siya dahil mayroon akong mga hindi maganda about the system. It’s not about that.”
Naniniwala ang binata na sapat na ang mga platform na meron siya ngayon para makapaghatid ng suporta at tulong sa mga sinusuportahan niyang charity institution pati na rin sa kanyang AR Foundation.
View this post on Instagram
“The platform that I have right now is more than enough to reach out to people who are in need,” ang pahayag pa ni Alden.
Sabi pa ng Kapuso star, mas gusto raw niyang mag-focus ngayon sa ilan pang mahahalagang bagay bukod sa pagiging artista.
Hiling din ng binata na mas marami pang magawang projects ang pag-aaring production company na Myriad Entertainment para makapagbigay pa ng mga trabaho sa industriya ng telebisyon at pelikula.
* * *
Sa pagtatapos ng International Women’s Month, inilabas ni Miss Universe Philippines 2023 at Sparkle artist Michelle Dee ang official music video ng kanyang debut single na “Reyna” last March 29 sa kanyang YouTube channel.
Ang kantang ito ay tungkol sa empowerment, confidence, at self-love, na agad tinangkilik ng kanyang mga fans.
Hindi lang basta performance ang ipinakita ni Michelle sa video. Makikita rin dito ang kanyang inang si Melanie Marquez (Miss International 1979) pinsang si Winwyn Marquez (Miss Universe Philippines Muntinlupa 2025) na nagbigay ng special na highlight sa video.
View this post on Instagram
Sa huling bahagi, naglakad sila suot ang kanilang bold red outfits na nagbigay ng lakas at ganda sa music video.
Ayon kay Michelle, inanyayahan niya ang kanyang ina upang makiisa sa shoot, at ibinahagi ni Melanie na proud siya sa kanyang anak. Masaya naman si Winwyn sa karanasang iyon at inalala ito bilang isang espesyal na moment.
Ang “Reyna” ay ang unang collaboration ng Star Music at GMA Music.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.